Chapter 19

Lisa’s POV

Isang hapon, muli akong dumaan sa project site.

May dala akong dalawang iced coffee.

Isa para kay Jennie.

Isa para sa sarili ko.

Pagpasok ko sa opisina…

“Hoy, Jennie!”

Sigaw ng isa niyang katrabaho.

“Tinatawag ka na ng girlfriend mo!”

Napahinto ako.

Girlfriend?

Napalingon si Jennie.

“Ako?”

“Oo! Nasa labas!”

Nagkatinginan kami.

Napakamot sa ulo ang katrabaho.

“Ay… ikaw pala ‘yon.”

Nagtawanan ang lahat.

Napangiti ako, pero may tanong na pumasok sa isip ko.

“Bakit parang normal na sa kanila ang salitang ‘girlfriend’?”





Jennie’s POV

“Pasensya na.”

Sabi ko kay Lisa.

“Mahilig lang silang mang-asar.”

Ngumiti siya.

“Okay lang.”

Pero halata kong may iniisip siya.





Lisa’s POV

“Puwede ba akong mag-stay rito?”

Nagulat si Jennie.

“Ha?”

“Hihintayin na lang kitang matapos.”

“Sige.”

Umupo ako sa bakanteng upuan sa gilid ng opisina.

Tahimik kong pinagmasdan ang buong team habang nagtatrabaho.





Ji Hyun’s POV

Pagpasok ko sa office…

Nakita ko agad si Lisa.

“Nandito ka pala.”

Ngumiti siya.

“Waiting for Jennie.”

Tumango ako.

“Okay.”

Tahimik akong bumalik sa trabaho.

Pero sa bawat pagkakataong mapapatingin ako kay Jennie…

Kailangan kong paalalahanan ang sarili ko.

Magtrabaho.

Huwag magpadala sa emosyon.





Jennie’s POV

Habang sinusuri namin ang blueprint, itinuro ni Ji Hyun ang isang detalye.

“May kailangang baguhin dito.”

Lumapit ako para makita nang mabuti.

Saglit niyang itinuro ang drawing at bahagya lang na nagdikit ang mga kamay namin habang sabay na inaabot ang papel.

Agad siyang umiwas.

“Sorry.”

“Walang problema.”

Nagpatuloy kami sa trabaho na parang walang nangyari.





Lisa’s POV

Tahimik lang akong nakaupo.

Pero may napansin ako.

Hindi naman kakaiba ang kilos nila.

Professional.

Pero…

Kapag nagsasalita si Mama kay Jennie…

Mas tumatagal ang tingin niya rito kaysa sa ibang empleyado.

At si Jennie naman…

Parang laging maingat sa bawat kilos niya kapag malapit si Mama.

“May tinatago talaga sila…”

BREAK TIME

Lumapit si Seulgi sa akin.

“Kumusta? Hindi ka ba nabobore?”

Napangiti ako.

“Hindi.”

“Watching them work?”

Tumango ako.

“Interesting.”

Sandaling natahimik si Seulgi.

Pagkatapos ay sumulyap siya kina Jennie at Ji Hyun.

May bahid ng pag-aalala sa mukha niya.

Sa isip niya, iisa lang ang dasal.

“Sana walang magkamali.”

Habang papauwi si Lisa kasama si Jennie, hindi pa rin mawala ang kutob niya.

Wala pa siyang ebidensya.

Wala pa siyang naririnig na pag-amin.

Pero pakiramdam niya…

May kuwentong matagal nang nagsimula bago pa man siya dumating sa buhay ni Jennie.

Comments for chapter "Chapter 19"

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x