Chapter 12
Jennie’s POV
Isang linggo matapos akong magsimula sa bago kong trabaho bilang project consultant…
Nagkaroon ng unang project meeting.
Pagpasok ko sa conference room, tahimik kong inilapag ang laptop ko.
“Good morning, everyone.”
Napalingon ako sa boses na iyon.
Nanigas ang buong katawan ko.
Siya.
Jun Ji-Hyun.
Nakatayo siya sa harap ng proje.Tor, pareho pa rin ang tindig, pero mas seryoso na ang mga mata niya.
Nagtagpo ang mga tingin namin.
Isang segundo.
Dalawang segundo.
Tatlo…
Agad akong umiwas.
Ji Hyun’s POV
Si Jennie.
Nandito nga siya.
Hindi panaginip.
Hindi imahinasyon.
Huminga ako nang malalim, at ipagpatuloy ang meeting na parang walang nangyari.
Pero sa buong presentasyon…
Siya lang ang nakikita ko.
AFTER THE MEETING
“Jennie.”
Huminto ang mga paa niya.
Pero hindi siya lumingon.
“Can we talk?”
“Tungkol saan?”
“Kahit limang minuto lang.”
Mahina siyang tumawa.
“Wala na tayong dapat pag-usapan.”
Naglakad ulit siya.
Sinundan ko.
“Please.”
Huminto siya.
Unti-unti siyang lumingon.
Galit ang mga mata niya.
“Noong kailangan kitang kausapin…”
“…ikaw ang nawala.”
“Ngayon…”
“…ako naman ang walang gustong makinig.”
Iniwan niya akong mag-isa sa hallway.
LISA’S POV
Excited akong umuwi.
“Mom!”
Lumabas si Mama mula sa kusina.
“Bakit ang saya mo?”
Ngumiti ako.
“Ipapakilala ako sa’yo.”
Napataas ang kilay niya.
“Ngayon?”
“Oo.”
“Nasaan?”
“Nasa labas.”
Huminga ako nang malalim.
At binuksan ang pinto.
“Pasok.”
Pumasok si Jennie.
Ngumiti siya.
“Good evening po.”
Pag-angat ng tingin ni Mama…
Pareho silang nanigas.
JI HYUN’S POV
Hindi.
Hindi puwede.
Si Jennie.
Kasama ni Lisa.
Narinig ko ang boses ng anak ko.
“Mom…”
“Siya ang sinasabi kong…”
“…girlfriend ko.”
Parang tumigil ang oras.
Pero bago pa makapagsalita si Jennie…
Ngumiti siya nang magalang.
“Nice to meet you, Ma’am.”
Naintindihan ko agad.
Nagpapanggap siya.
Kaya…
Sumabay ako.
“Nice to meet you too.”
Parang dalawang estranghero.
Na minsang nangakong hindi maghihiwalay.
DINNER
Masaya si Lisa.
Siya lang ang nagsasalita.
“Mom, si Jennie sobrang tahimik.”
“Ganun ba?”
“Opo,” sagot ni Jennie.
“Wala naman po akong masyadong kuwento.”
Palihim kaming nagkakatinginan ni Jennie.
Pareho naming alam.
Hindi puwedeng malaman ni Lisa.
Hindi pa.
LISA’S POV
“Babalik muna ako sa kusina.”
Tumayo ako.
“Kukuha lang ako ng dessert.”
“Ako na rin,” sabi ni Mama.
“Hindi, Mom. Ako na.”
Pagkaalis ko…
Naiwan silang dalawa.
JI HYUN’S POV
Tahimik.
Hindi siya tumitingin sa akin.
“Jennie…”
Mahina kong tawag.
“Wala tayong dapat pag-usapan.”
“Please.”
Hindi siya sumagot.
Lumabas siya sa veranda.
Sinundan ko.
PRIVATE CONFRONTATION
“Makinig ka lang.”
Humarap siya sa akin.
“Dalawang taon kitang pinakinggan sa katahimikan.”
“Ngayon…”
“…ikaw naman.”
Napababa ako ng tingin.
“I’m sorry.”
Napailing siya.
“Huli na.”
“May dahilan ako.”
“At may dahilan din ako para hindi ka patawarin.”
Nanginig ang boses ko.
“Hindi ko ginustong iwan ka.”
“Lahat ng umalis…”
“…may dahilan.”
“Pero pare-pareho lang ang resulta…iniwan pa rin.”
Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Niyakap ko siya.
Hindi siya gumanti.
Hindi rin siya kumawala.
Tahimik lang.
At doon…
Tuluyan akong napaiyak.
“I’m sorry…”
“I’m so sorry…”
Mahina niyang inalis ang mga kamay ko.
“Huwag mo nang gawin ulit.”
“May girlfriend na ako.”
“At mahal ko siya.”
Parang may humigpit sa dibdib ko.
Tumango lang ako.
“…Alam ko.”
Sa sandaling iyon…
Pareho naming narinig ang boses ni Lisa mula sa loob.
“Mom? Jennie?”
Mabilis kaming naghiwalay.
At muling nagsuot ng mga maskara.
Dalawang estrangherong…
May iisang nakaraan.
Comments for chapter "Chapter 12"