Chapter 11

Ji Hyun’s POV

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang tawag ko na.

Calling…

No answer.

Sinubukan ko ulit.

Calling…

No answer.

Isang beses pa.

At isa pa.

Hanggang sa…

Call rejected.

Napahawak ako sa noo.

“…Jennie.”

Bumalik sa isip ko ang lahat.

Yung unang araw naming nagkakilala.

Yung mga gabing sabay kaming kumakain.

Yung mga pangakong hindi ko natupad.

Unti-unting nangilid ang luha ko.

“Hindi naman sana ganito…”

Mahina akong napaupo sa sahig ng sala.

Ngayon ko lang naramdaman ang bigat ng pagkawala.

Hindi, noong umalis ako.

Kundi ngayong alam kong wala na siyang gustong marinig mula sa akin.

Jennie’s POV

Nag-vibrate na naman ang cellphone ko.

Ji Hyun Calling…

Tahimik ko lang itong tiningnan.

Tapos…

Pinindot ko ang Decline.

“Work?” tanong ni Lisa habang magkatabi kaming naglalakad sa mall.

“Wrong number.”

Hindi na siya nagtanong.

Tahimik kong inilagay ang cellphone sa silent mode.

Makalipas ang ilang segundo…

Nag-vibrate na naman.

At muli…

Hindi ko sinagot.

Sa isip ko, tapos na ang kabanatang iyon.

Ji Hyhun’s POV

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Nag-record ako ng voice message.

“Jennie… hindi ko hinihinging patawarin mo ako. Gusto ko lang maipaliwanag kung bakit ako umalis. Kahit limang minuto lang… pakinggan mo ako.”

Ipinadala ko.

Lumipas ang ilang minuto.

Seen?

Wala.

Niyakap ko ang sarili ko habang tahimik na umiiyak.

“Please…”

LISA’S POV

“Mom.”

“Hmm?”

Habang magkasabay kaming naghahapunan, napansin kong tahimik si Mama.

“May sasabihin sana ako.”

Napatingin siya sa akin.

“Ano ‘yon?”

Napangiti ako nang hindi ko namamalayan.

“May gusto na kasi ako.”

Huminto ang kamay ni Mama.

“…Talaga?”

Tumango ako.

“First time.”

Bahagyang ngumiti si Ji Hyun.

“Masaya ako para sa’yo.”

“Pero…”

“Pero?”

“Medyo complicated.”

“Bakit?”

“May malalim siyang pinagdaanan.”

Tahimik lang si Mama.

“At parang… may taong sobrang nanakit sa kanya noon.”

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

JI HYUN’S POV

Hindi ko alam kung bakit.

Pero may kakaibang kaba.

“Ano’ng pangalan niya?”

Napailing si Lisa.

“Hindi pa.”

“Boy ba?”

Napatawa si Lisa.

“Mom…”

“You know me.”

Tumango ako.

“Sorry.”

Ngumiti siya.

“Girl.”

Hindi ako nagulat.

Matagal ko nang alam na hindi interesado si Lisa sa mga lalaki.

Pero ang sumunod niyang sinabi…

Ang nagpabigat ng dibdib ko.

“Ang pogi niyang manamit.”

“Mahilig siya sa simpleng damit.”

“Tahimik siya.”

“At…”

Saglit siyang natawa.

“…tinatawag ko siyang suplado kahit mabait naman talaga.”

Nanigas ako.

Parang…

Parang pamilyar.

Sobrang pamilyar.

FLASHBACK

“Mas bagay sa’yo ang ngumiti.”

“Tubig lang iniinom ko.”

“Huwag kang masyadong matigas ang ulo.”

Boses ni Jennie.

Ngiti niya.

Lahat bumalik.

JI HYUN’S POV

“…Lisa.”

“Hmm?”

“Saan mo siya nakilala?”

“Sa bar.”

Kumabog ang dibdib ko.

“Kailan?”

“Ilang linggo na.”

Hindi ako makahinga.

Hindi…

Hindi naman siguro…

“Mom?”

Napakurap ako.

“Wala.”

Ngumiti ako.

Pilitan.

“Kapag handa ka na…”

“…ipakilala mo siya sa akin.”

“Promise.”

Tumango si Lisa.

Hindi niya napansin na nanginginig na ang kamay ko sa ilalim ng mesa.

Sa kaibuturan ng puso ko…

May kutob akong ayokong magkatotoo.

At kung tama ang kutob ko…

Hindi lang ang nakaraan ang babalik.

Pati ang pinakamalaki kong kasalanan.

Comments for chapter "Chapter 11"

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x