Chapter 28
Jennie’s POV
Katatapos lang ng trabaho nang biglang huminto ang sasakyan ni Chaeyoung sa harap ko.
Binuksan niya ang bintana.
“Hoy.”
Napalingon ako.
“Chaeyoung?”
“Bilis.”
“Saan tayo?”
Napabuntong-hininga siya.
“Huwag ka nang magtanong nang marami.”
“…Pinapatawag ka ni Lisa.”
Natigilan ako.
“Ano?”
“Narinig mo.”
“Sumakay ka na.”
Hindi na ako nag-aksaya ng oras.
SA BAHAY NINA CHAEYOUNG
Pagpasok ko…
Tahimik ang sala.
Nakatayo si Lisa sa may bintana.
Nang marinig niya ang yabag ko…
Dahan-dahan siyang humarap.
Nagkatitigan kami.
Matagal.
Walang nagsasalita.
Lisa’s POV
“Umupo ka.”
Tahimik siyang sumunod.
Huminga ako nang malalim.
“Hindi pa rin nawawala ang sakit.”
Tumango siya.
“Alam ko.”
“At hindi rin mawawala agad.”
“Tama.”
Tahimik niyang sagot.
Jennie’s POV
“Hindi ko hinihinging kalimutan mo.”
“Hindi ko rin hinihinging maging okay agad ang lahat.”
“Gusto ko lang malaman mo…”
“…na nagsisisi ako.”
Tahimik lang siyang nakatingin.
“Wala nang araw na hindi ko pinagsisisihan ang pagtatago ko.”
Lisa’s POV
Nakayuko siya.
Hindi katulad ng dating Jennie na laging matapang.
Ngayon…
Halata ang bigat ng konsensya.
Mahina akong nagsalita.
“Pinapatawad na kita.”
Nag-angat siya agad ng tingin.
Nanlaki ang mga mata niya.
“Pero…”
“Huwag mong isipin na parang walang nangyari.”
Tumango siya.
“Hindi.”
“Kailangan nating buuin ulit ang tiwala.”
“Handa akong gawin iyon.”
Mahina siyang ngumiti.
“Kahit gaano katagal.”
Napangiti rin ako nang bahagya.
Jennie’s POV
“Puwede ba kitang ligawan ulit?”
Napatawa si Lisa sa gitna ng pagluha.
“Ang kulit mo.”
“Oo.”
“Hindi ako titigil.”
Napailing siya.
“Bahala ka.”
Para sa iba…
Maliit na sagot lang iyon.
Pero para sa akin…
Isa na iyong panibagong simula.
Ji Hyun at Irene
Tahimik na umiinom ng tsaa ang magpinsan.
Napansin ni Irene ang pagod sa mukha ni Ji Hyun.
“Kumusta kayo ni Lisa?”
Mahina siyang ngumiti.
“Hindi pa rin niya ako kinakausap.”
“Nasasaktan ka?”
Tumango siya.
“Sobra.”
Napabuntong-hininga si Irene.
“Bigyan mo siya ng panahon.”
“Huwag mong pilitin.”
“Kapag nakita niyang consistent ka…”
“…siya mismo ang lalapit.”
Tahimik na tumango si Ji Hyun.
“Sana.”
Jennie’s POV
Hinatid ko si Lisa pauwi.
Tahimik lang ang biyahe.
Pero magaan na kumpara noong mga nakaraang araw.
Pagdating namin…
Nasa sala si Ji Hyun.
Napatingin siya agad kay Lisa.
“Lisa…”
Hindi siya sumagot.
Hindi rin siya tumingin.
Dumiretso lang siya sa hagdan.
Sandaling huminto.
At saka nagsalita.
“Jennie.”
Napalingon ako.
“Samahan mo muna ako sa kwarto.”
Tumango ako.
“Sige.”
Tahimik lang kaming umakyat.
Samantalang naiwan si Ji Hyun sa sala.
Tahimik na pinagmamasdan ang likod ng anak niya.
LISA’S ROOM
Pagkapasok namin…
Umupo siya sa gilid ng kama.
Tahimik.
Lumapit ako.
“Lisa.”
“Hm?”
“P ba kitang kausapin tungkol sa mama mo?”
Hindi siya sumagot.
Sa halip…
Tumayo siya.
At marahan akong niyakap.
Mahigpit.
Parang ayaw muna niyang magsalita.
Marahan kong ibinalik ang yakap.
Hindi ko na ipinilit ang usapan.
Minsan…
May mga yakap na mas maraming nasasabi kaysa sa mga salita.
At alam kong para kay Lisa…
Hindi pa siya handang harapin ang lahat.
Pero hindi na rin siya nag-iisa.
Sa labas ng silid…
Tahimik na napaupo si Ji Hyun sa sala.
Hindi niya alam ang pinag-uusapan ng dalawa.
Ang alam lang niya…
Umaasa siyang balang araw, siya rin ay magkakaroon ng pagkakataong marinig muli ang boses ng anak niya-hindi bilang isang taong nagkamali, kundi bilang isang inang handang bumawi.
Comments for chapter "Chapter 28"