Chapter 30

Lisa’s POV

Mula nang magkausap kami ni Mama…

May nabago.

Hindi pa bumabalik ang lahat sa dati.

Pero hindi na rin kami nagkakaiwasan.

“Good morning.”

Mahina kong bati habang bumababa sa hagdan.

Napalingon si Ji Hyun.

Sandaling natigilan.

Pagkatapos ay napangiti.

“Good morning.”

May bahid pa rin ng pag-iingat ang bawat salita namin.

Pero sapat na iyon.

Unti-unti.





Ji Hyun’s POV

Hindi ko na pinilit.

Hindi ko na rin sinubukang bilisan ang paghilom.

Natutunan ko na…

May mga relasyon na hindi naaayos sa isang pag-uusap lang.

Habang kumakain kami ng almusal…

Tahimik lang.

Pero sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon…

Magkasalo ulit kami sa iisang mesa.

At para sa akin…

Napakalaking hakbang na iyon.





Jennie’s POV

Pagdating ko sa opisina…

Nadatnan kong maaga si Ji Hyun.

Nagkatinginan kami.

Ngumiti siya.

“Morning.”

“Morning.”

Propesyonal.

Simple.

Pero wala na ang bigat na dati naming dala.

Nagkaroon ng meeting ang buong umaga.

Habang nagdi-discuss ang project manager, biglang nagloko ang projector.

Nagkatinginan ang lahat.

“Ano na ‘yan?”

Napailing ako.

“Saglit lang.”

Lumapit ako para ayusin.

Biglang umilaw ulit ang projector.

Nagpalakpakan ang mga katrabaho.

“Engineer Jennie to the rescue!”

Napatawa ang buong conference room.

Pati si Ji Hyun ay napailing habang nakangiti.

“May bonus ka mamaya.”

“Basta cash.”

Mas lalo silang nagtawanan.

Sa unang pagkakataon matapos ang lahat ng nangyari…

Nakita ng team na bumalik ang dating sigla ni Jennie.






Seulgi’s POV

Lumapit ako kay Ji Hyun habang coffee break.

“Mukhang okay na.”

Tumango siya.

“Unti-unti.”

“Mas bagay sa’yo ang ngumiti kaysa umiiyak.”

Napatawa siya.

“Ikaw talaga.”






LISA’S POV

Pagkatapos ng trabaho…

Nag-message ako kay Jennie.

Lisa: Busy?

Halos isang minuto lang.

Jennie: Para sa’yo? Never.

Napailing ako habang napapangiti.

Lisa: Ang cheesy mo.

Jennie: Effective pa rin ba?

Napailing ulit ako.

Lisa: Konti.

Mabilis ang reply.

Jennie: Progress.

Napatawa ako.

PARK

Nagkita kami pagkatapos ng trabaho.

May dala na naman siyang pagkain.

“Teka.”

Napakunot-noo ako.

“Hindi ka ba napapagod?”

“Saan?”

“Sa panunuyo.”

Umiling siya.

“Hindi.”

“Hangga’t hindi ka nagsasabing tumigil ako.”

Napangiti ako.

“Hindi pa rin kita boyfriend.”

Tumawa siya.

“Okay lang.”

“Applicant pa lang.”

Napatawa ako nang malakas.

“Tingnan mo nga sarili mo.”

“Professional applicant.”






Ji Hyun’s POV

Habang pauwi ako…

Naabutan kong palabas ng gate sina Jennie at Lisa.

Nag-uusap.

Nagtatawanan.

Hindi ako lumapit.

Hindi ko rin sila inistorbo.

Ngumiti lang ako.

Masakit man sa isang bahagi ng puso ko…

Pero may kapayapaan din.

Dahil alam kong…

Masaya ang anak ko.

At alam kong si Jennie ay hindi na ang babaeng nakilala ko noon.

Mas naging responsable.

Mas matapang.

Mas marunong nang harapin ang katotohanan.

Mahina kong ibinulong sa sarili ko,

“Salamat sa pag-aalaga sa anak ko.”

Pagkatapos ay tahimik akong naglakad pauwi.

Hindi na bilang babaeng naghahabol sa nakaraan.

Kundi bilang isang inang, pinipiling unahin ang kinabukasan ng anak niya.

Comments for chapter "Chapter 30"

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x