Chapter 16

LORRAINE

Sige na Raine sumama ka na. Masaya yun oh! Sayang naman kung hindi ka sasama.

I heaved a sigh para maikalma ko ang aking sarili. Kanina pa kasi ako kinukulit ni Nicole at Jamie na sumama raw ako sa outing namin na gaganapin this coming friday habang si Annicka naman ay wala pa dito.

Late na naman siguro ang babaeng yun, tsk.

Ito nga at nagdadalawang-isip pa kasi akong sumama dahil bukod sa magastos nga ay walang kasama ang kapatid ko.

Saan ko naman yun maiiwan, aber?

Hindi talaga pwede guys at tsaka isa pa, walang magbabantay kay Lennie. Sabi ko na agad ikinasimangot ni Nicole while si Jamie naman ay napabuntong hininga nalang.

Hindi ko naman pwede isama yung paslit tsaka if I know, bawal ang bata dun nu!

Sayang naman pero what if isama nalang natin ang kapatid mo, Rainey? Masayang usal ni Nicole at tinawag akong Rainey. Gusto niya kasi na ganun daw ang itawag niya para unique tsaka mukha daw kasing ulan ang tunog.

Loka ang babaeng ‘to ginawa pa akong tubig.

Mukhang napaisip rin naman si Jamie sa sinabi ni Nicole at ngumiti sa akin na parang may nabuo na idea sa kanyang isip.

Don’t worry Raine, kami na ang bahala. Sabay baba at taas ng kanyang kilay habang si Nicole naman ay mukhang may alam na sa naisip ni Jamie na ikinangisi nito.

Okay? Ano kaya yun? Weird.

Diko nalang sila pinansin at umayos nalang ng upo since nandito na ang teacher namin.

Ate saan po ba tayo pupunta? Ba’t po tayo nag-iimpake? Tanong ng kapatid ko na nakapamewang sa akin ng harap ngayon habang ako naman ay nag-iimpake nang mga gamit namin.

Well, pinayagan kasi ng principal na dalhin ang kapatid ko total wala naman daw kaso kasi may teacher at school stuff naman na kasama. And yup, ito pala ang plano nila Jamie at Nicole kahapon. Kaya heto ako ngayon nagsimula na akong mag-impake ng gagamitin namin ng kapatid ko dahil maya-maya lang ay papunta na kaming school.

4:00 am kasi ang call time at 3:25 am palang ng umaga. Medyo maaga pa naman.

Hindi ko tuloy maiwasang mapatanong sa sarili kong paano nila napapayag ang principal. Ang weird lang. Isinara ko naman ang zipper ng bag bago ko hinarap ang kapatid kong kanina pa tanong ng tanong.

Basta at teka nga—bakit ka ba tanong ng tanong, huh? Sasama ka ba kay ate o maiiwan ka dito? Nakataas kilay kong tanong at nakapamewang rin paharap sa kanya.

Aba siya lang ba ang marunong.

Naglakad naman siya palapit sa akin at malambing akong niyakap.

Sasama po siyempre ate hihi. Napabuntong hininga naman ako bago ko siya kinarga para paliguan.

Yun naman pala eh. Oh siya tara na at paliliguan pa kita. Agad ko naman hinubad ang damit niya at sinimulan na siyang paliguan.

Syempre yung medyo may halong mainit na tubig ang ipinaligo ko sa kanya dahil sobrang ginaw ngayon lalo na at madaling araw pa.

Pagkatapos ng sampung minuto ay tinapos ko naman agad ang pagligo kay Lennie at agad siyang binihisan ng panglakad na suot. Like pants na maong and t-shirts na makapal. Sinuotan ko na rin siya ng Doraemon jacket na may hoodie dahil paniguradong malamig doon since sa Baguio nila napili na mag fieldtrip. Matapos ko siyang bihisan ay ako naman agad ang naligo. Wala pang bente minutos ay tapos narin naman ako agad at nagbihis na sabay suklay lalo na at 3:45 na ng umaga.

Baka malate pa kami nito at maiwan ng bus.

Dali-dali naman akong bumaba sa may sala habang bitbit ang bag na dala ko na naglalaman ng mga damit namin ng paslit. Nakita ko naman si Lennie sa may sala at matiyagang naghihintay habang nakayakap sa kanyang sarili.

Panigurado inaantok pa ito. Maaga pa naman kasi at hindi pa lumalabas si haring araw. Tinawag ko naman ang pansin niya para makaalis na kami.

Bunsoy tara? Okay ka lang ba?” Worried kong tanong sa kanya at pinahidan siya ng efficascent sa tiyan at likod para mainitan ang kanyang katawan. Nakakabawas kasi yun ng ginaw at isa pa, para iwas sakit ng tiyan yun dahil napaka-aga pa para bumiyahe.

“Okay lang po ate, medyo inaantok lang po ako.” Sabi niya at humikab. I kiss her forehead bago ko siya kinarga. Bitbit ko naman ang isang bag ko sa isang kamay bago kami lumabas ng bahay.

Pagkatapos kong ma-ilock ang pinto ay agad ko namang sinabi kay manong tricycle driver na binooking ko kanina ang address. Nagbiyahe naman kami agad papuntang BHU.

Buti nalang talaga at nasaktohan ni manong ang paghahanap ko ng masasakyan kanina ng ganito kaaga.

Ilang sandali pa ay nakarating naman kami kaagad. Nakita ko namang marami ng mga estudyante ang palakad-lakad habang yung iba naman ay hinintay ang kanilang mga kasama sa labas habang yung iba ay nakasakay na ng bus. Pagkatapos ko makapagbayad kay manong at magpasalamat ay naglakad naman kami agad ng kapatid ko patungo sa harap ng gate nitong school since nandun silang lahat. Hindi paman kami nakakalimang hakbang ay may tumawag na agad sa pangalan ko.

Rainey!

Kilala niyo naman siguro kung sino siya, diba? Isang tao lang naman kasi ang tumawag sa akin sa ganyang palayaw.

Woah buti at nakarating ka na ulan. Kanina pa kami naghihintay dito eh.” Saad ni Nicole kasama si Jamie at Annicka. Agad natuon ang pansin nila sa kasama ko or more like sa kapatid ko na inosenteng nakatingala sa kanila.

Aww, ito ba ang kapatid mo? Hi baby girl, hihi. Nicole approaches Lennie sabay pisil sa pisngi ng isa. Agad naman ngumiti ang kapatid ko kahit may pagtatakang nakaukit sa kanyang mukha.

Hello po.” Sabi ng paslit at bahagyang kumaway pa sa kanila. Nag giggle naman ang tatlo at agad na nag-unahan sa pagpapakilala.

Kyaahh! You’re so kyeopta! Ako nga pala si Ate Nicole mong maganda and ito naman si Ate Jamie mo na yelo and she’s ate Annicka na mukhang kape. Energetic na sabi ni Nicole na may nickname basis pa habang si Jamie naman ay ngumiti lang at ginulo ang buhok ng kapatid ko, while Annica ay tahimik lang na kumaway habang nakangiti.

Hello po mga ate. Ako nga po pala si Lennie Dela Cruz, and I’m 6 years old at nag-aaral na po ako like my ate. My favourite colour is blue and my favourite cartoon is Doraemon.Nagkatinginan naman ang tatlo at mukhang aliw na aliw sa narinig.

Nasabi ko kasi sa kanila na anim na taong gulang palang itong kapatid ko at hindi ko naman aakalain na ganito ang magiging reaksyon nila. Well, bibong bata kasi ang paslit na ‘to at hindi siya katulad sa iba na bulol magsalita sa edad na sais. Sa madaling sabi, matalino rin talaga siya sa murang edad.

Mana-mana lang yan ano ba!

Magsasalita na pa sana sina Nicole ng biglang may tinawag ang kapatid ko mula sa hindi kalayuan.

Ate ganda!

Napalingon naman sa amin ang ilan habang ang kapatid ko naman ay agad na tumakbo papunta sa direksyon ni alam niyo naman na siguro diba? Kasama ang mga kaibigan niya na mukhang may pagtataka sa mukha habang nakatingin kay Lennie na tumatakbo ngayong papunta kay Astrid. Nagliwanag naman ang mukha nito ng makita ang kapatid ko at agad niya itong kinarga at hindi pinansin ang mga matang nakatingin sa kanya.

Hello baby girl, why are you here? Tanong niya sa paslit habang yung mga tao naman ay nasa kanila ang atensyon. Itinuro naman ako agad ng kapatid ko kaya napalingon agad ang mga ito sa gawi namin.

Isama po ako ni ate sabi niya kasi wala daw akong kasama sa bahay.Kunot noo naman nito akong tinignan at magsasalita pa sana pero tinawag naman kami agad ng mga guro at ipinapapunta na kami sa naka-assign sa aming bus na sasakyan namin. Habang naglalakad kami ay siniko naman ako agad ni Nicole.

Kailan pa magkakilala ang kapatid mo at si Astrid?Napalingon naman ako sa sinabi niya at bumuntong hininga bago pumasok sa bus.

Long story.” Tipid kong sabi at agad na hinanap ng mata ko ang paslit.

Asa’n naman kaya ang batang yun?

Ate dito!Nakita ko naman ito agad na karga ni Miss Astrid at kumaway-kaway pa habang nakatingin sa akin. Lumingon naman ako sa tabi niya at nakita ko itong nakatingin sa akin habang nakataas ang isang kilay. Umiwas naman ako ng tingin dito bago naglakad patungo sa kanilang direksyon.

Agad naman akong umupo nang sinenyasan ako nito at di nalang ako pumalag pa at umupo nalang ng tahimik pagkatapos mailagay ang bag ko sa may itaas nitong bus.

Lumingon naman ako sa kabilang side at nakita kong magkatabi sila Miss Athena at Jamie na tahimik lang habang Nicole at Allyson naman ay parehong masama ang tingin sa isa’t-isa.

Okay? May war ba sila?

I shrugged my shoulders at Tinignan si Annicka na tahimik lang habang yung katabi naman niya na medyo hindi pamilyar sa akin ay nakatitig sa cellphone nito habang nakakunot ang noo katabi nung Aphrodite na kasing lamig ni Jamie tumitig habang nasa unahan kung saan kami nakaupo. Umiwas naman ako ng tingin sa kanila at nilingon ang paslit na nakatulog na pala sa dibdib ni Miss Astrid.

Kaya pala ang tahimik.

Kinalabit ko naman ang katabi ko dahilan para mapatingin siya sa akin.

“Ahm kuhanin ko lang sana si Lennie if okay lang? Baka kasi nangangawit ka.” Kamot sa ulo kong sabi sa kanya. Napansin ko naman na tumaas ang kilay niya.

Taas na naman? Hindi ba siya nangangawit?

It’s okay and besides, I know naman na nangangalay ka sa bigat ng dala mo.” Mahabang sabi niya.

Teka—concern ba siya? Spell ASA Raine?

Napabuntong hininga naman ako at magsasalita na sana ng pinigilan niya ako gamit ang mataray niyang tingin.

And no buts nerdy.Napaurong naman ang dila ko at hindi nalang sumagot pa.

Okay, sabi niya eh. Sabagay, medyo nangangalay rin kasi ang braso ko sa bigat ng dala ko kanina isama niyo pa na karga-karga ko si Lennie.

Sinabihan naman agad kami ni Ma’am na adviser namin since siya yung nandito at binilanan na matulog muna total mahaba pa naman daw ang biyahe. Napahikab naman ako ng wala sa oras at tumingin sa paligid. Nakita ko naman ang mga kaklase kong knock out na agad.

Ang bilis naman yata ng mga to natulog? Hayaan na nga.

Inayos ko naman ang upo ko at ipinikit ang mata at ilang sandali pa ay hinihila na ako ng antok. Bago pa man ako tuloyang dalawin ng antok ay may naramdaman naman akong malambot na bagay na dumampi sa pisngi ko ngunit isinawalang bahala ko nalang yun at tuloyan na ngang nakatulog.

Hello, dreamland.

Comments for chapter "Chapter 16"

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x