Chapter 8

(Jennie’s POV)

Dalawang taon.

Dalawang taon mula nang mawala si Ji Hyun nang walang paalam.

Marami nang nagbago.

Mas tahimik na ako.

Mas seryoso.

Mas natuto akong huwag umasa.

“Babalik na talaga tayo?” tanong ni Seulgi habang nasa airport kami.

Tumango ako.

“Oo. Tapos na ang kontrata.”

“Pilipinas ulit.”

Napangiti siya.

“Home.”

Hindi ko sinabi, pero may isa pang dahilan.

Gusto kong malaman…

Bakit niya ako iniwan?

MANILA – NIGHT

Pagkababa namin ng eroplano, dumiretso muna kami sa apartment na inupahan namin.

“Magpapahinga ba tayo?” tanong ni Seulgi.

Umiling ako.

“Hindi.”

“Saan?”

“Bar.”

Napailing siya.

“Two years kang hindi umiinom. Biglang gusto mo ngayon?”

“Kailangan ko lang mag-isip.”

LISA’S POV

“Cheers!”

Nagbanggaan ang baso namin ni Chaeyoung.

“Tapos na rin sa wakas ang project!” sigaw ni Chaeyoung.

“Finally!”

Natawa ako.

“Tonight, walang problema.”

“O, walang away ha?” biro ni Chaeyoung.

“Wala… kung walang mang-aasar.”

THE FIRST ENCOUNTER

(Jennie’s POV)

Habang papunta ako sa counter, biglang may nakabanggaan ako.

Natapon ang hawak niyang inumin.

“Seriously?” sabi ng babae.

Napatingin ako.

Mahaba ang buhok.

Kikay manamit.

Maganda.

At halatang hindi nagpapatalo.

“My bad,” sabi ko.

“My bad lang?”

Napangisi ako.

“Babayaran ko.”

“Hindi issue ang pera.”

“E ano?”

“Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo.”

Napatawa ako.

“Ikaw rin naman.”

Naningkit ang mata niya.

“Mayabang ka pala.”

“Sakto lang.”

LISA’S POV

Nakakainis siya.

Pero bakit…

Ang gwapo niyang manamit?

“Tomboy ka?” diretsahan kong tanong.

Napataas ang kilay niya.

“Problema ba?”

“Wala.”

Lumapit ako nang kaunti.

“Curious lang.”

Napangiti siya.

“Lisa.”

Natigilan ako.

“Hindi ko pa sinasabi ang pangalan ko.”

“Name tag mo.”

Napatingin ako sa maliit na event pass na suot ko.

“…Ay.”

Napahalakhak siya.

“Akala mo detective ako?”

Napairap ako.

“Ang yabang mo.”

“At least napatawa kita.”

Hindi ko napigilang mapangiti.

JENNIE’S POV

Hindi ko alam kung bakit.

Pero ang dali niyang kausap.

Maangas.

Palaban.

Pero masaya.

“Jennie,” sabi ko habang inaabot ang kamay ko.

Tinanggap niya iyon.

“Lisa.”

Nagkamayan kami.

“Wag kang sanang mawala agad,” biro niya.

Napatingin ako sa kanya.

“Mahirap akong hanapin.”

“Challenge accepted.”

Napailing na lang ako habang napapangiti.

Hindi ko alam…

Na ang babaeng kaharap ko…

Ay, ang anak ng babaeng dalawang taon kong hindi nakalimutan.

Comments for chapter "Chapter 8"

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x