Chapter 7

(Ji Hyun’s POV)

Alas dose ng hatinggabi nang mag-ring ang cellphone ko.

“Irene.”

Hindi siya basta-basta tumatawag nang ganitong oras.

Agad kong sinagot.

“Hello?”

“Ate…”

Kakaiba ang boses niya.

May halong pagod at pag-aalala.

“Kailangan mo nang umuwi.”

Napatayo ako mula sa kama.

“Anong nangyari?”

Tahimik siya sandali.

Pagkatapos…

“Si Lisa… nasangkot na naman sa gulo sa bar.”

Napapikit ako.

“Nasaktan ba siya?”

“Hindi. Pero muntik na. Nakipag-away siya dahil may nang-harass sa kaibigan niya. Dumating pa ang pulis.”

Napahawak ako sa noo.

“That child…”

“She’s acting tougher every day. Kailangan ka na niya rito.”

Tumahimik ako.

Matagal.

Bilang ina…

Alam ko na ang dapat kong gawin.

JI HYUN’S POV

Tinignan ko si Jennie.

Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko.

Nakasimangot pa habang natutulog.

Napangiti ako nang bahagya.

Dahan-dahan kong inayos ang buhok niyang nakatakip sa mukha.

“I’m sorry…” mahina kong bulong.

“Hindi kita kayang piliin ngayon.”

Hindi, dahil hindi kita mahal.

Kundi dahil…

May anak akong mas nangangailangan sa akin.

NEXT MORNING

Hindi ko siya ginising.

Hindi ko siya hinalikan.

Hindi rin ako nag-iwan ng sulat.

Isa lang ang alam ko.

Kapag nakita ko siya…

Hindi ako makakaalis.

Kaya tahimik kong isinara ang pinto.

At tuluyan akong umalis.

PHILIPPINES Lisa’s POV

Pagbukas ng pinto ng bahay…

Natigilan ako.

“…Mom?”

Nakatayo si Mama sa sala.

Nakapamewang.

Cold na cold ang tingin.

Nanlaki ang mata ko.

“Mom? Akala ko next month ka pa uuwi!”

“Sit.”

“…Ha?”

“I said…”

“Sit.”

Napalunok ako.

Mukhang sermon ito.

JI HYUN’S POV

“Nakikipag-away ka?”

Tahimik lang si Lisa.

“Nasa police station ka?”

“…”

“Answer me.”

Lisa sighed.

“May bastos kay Chaeyoung.”

“Kaya kailangan mong makipagsuntukan?”

“Wala namang ibang gagawa.”

Napapikit ako.

Galit ako.

Pero mas nangingibabaw ang takot.

“Paano kung ikaw ang nasaktan?”

Lisa looked away.

“I’m fine.”

“No.”

Lumambot ang boses ko.

“You’re my daughter.”

“You’re all I have.”

Unang beses sa matagal na panahon…

Yumakap ako sa anak ko.

At tahimik lang siyang yumakap pabalik.

KOREA Jennie’s POV

Tatlong araw.

Hindi siya pumasok.

Akala ko may sakit.

Hanggang sa tinanong ko ang HR.

“Excuse me… where’s Architect Ji Hyun?”

Napatingin sa akin ang HR.

“Hindi mo alam?”

“…Ano?”

“She resigned.”

Parang tumigil ang mundo.

“…What?”

“She already went back to the Philippines.”

Permanent.

Permanent.

Permanent.

Paulit-ulit iyong umalingawngaw sa isip ko.

Hindi…

Hindi puwedeng ganoon.

Tumakbo ako papunta sa apartment niya.

Humihingal.

Kinakatok ko ang pinto.

“Ji Hyun!”

Walang sumagot.

Mas malakas.

“Ji Hyun!”

Tahimik.

Lumabas ang landlord.

“Are you looking for Miss Jun?”

“Yes!”

“She moved out three days ago.”

“…”

“She left everything.”

Hindi ko na narinig ang kasunod.

JENNIE’S POV

Bumagsak ako sa harap ng apartment.

Hindi ko alam kung galit ba ako.

O nasasaktan.

“Putangina…”

Mahina akong natawa.

Ganito lang pala.

Ganito lang kadaling iwan.

Walang paalam.

Walang paliwanag.

Walang kahit isang mensahe.

Kinuha ko ang cellphone ko.

Tinawagan ko siya.

The number you are trying to reach is unavailable.

Again.

Again.

Again.

Hanggang sa…

Ibinato ko ang cellphone ko sa pader.

“PUTANGINA MO, JI HYUN!”

Napapikit ako habang umaagos ang luha.

“Akala ko…”

“…mahal mo ‘ko.”

Tahimik ang buong hallway.

At sa unang pagkakataon…

Pakiramdam ko…

Mag-isa na naman ako.

PHILIPPINES – JI HYUN’S POV

Hawak ko ang cellphone ko.

Mahigit limampung missed calls.

Lahat…

Galing kay Jennie.

Nanginginig ang kamay ko.

Gusto ko siyang tawagan.

Gusto kong magpaliwanag.

Pero kapag ginawa ko iyon…

Baka bumalik lang ako sa Korea.

At hindi ko puwedeng iwan ang anak ko sa pagkakataong ito.

Tahimik kong pinatay ang cellphone.

May luhang pumatak sa pisngi ko.

“I’m sorry…”

“Please…”

“Hate me if you have to.”

“Pero sana…”

“Huwag mong isipin na hindi kita minahal.”

Comments for chapter "Chapter 7"

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x