Chapter 5
(Jennie’s POV)
Tatlong buwan.
Tatlong buwan nang lihim ang relasyon namin ni Ji Hyun.
Sa opisina, isa siyang istriktong architect at boss.
Ako? Isa lang sa mga empleyado niya.
Pero paglabas ng building…
Ako ang unang hinahanap ng mga mata niya.
OFFICE – LUNCH BREAK
“Jennie!”
Napalingon ako nang tawagin ako ng isa sa mga bagong staff.
Si Yuna, isa ring Filipino worker.
“Libre mo naman kami minsan.”
Napatawa ako.
“Sige, pag sumuweldo.”
Bigla niyang hinawakan ang braso ko.
“Promise?”
Hindi ko napansin na nasa kabilang dulo pala ng hallway si Ji Hyun.
Nakatayo lang siya.
Tahimik.
Pero halatang matalim ang tingin.
JI HYUN’S POV
Hindi ko maintindihan.
Bakit naiirita ako?
Magkaibigan lang naman sila.
Pero bakit parang gusto kong tanggalin ang kamay ng babaeng iyon sa braso ni Jennie?
“Ma’am?”
Napalingon ako sa assistant.
“Your meeting is ready.”
“…Coming.”
Pero hindi ko naalis ang tingin kay Jennie.
JENNIE’S POV
Kinagabihan, dumiretso ako sa apartment niya.
Pagbukas niya ng pinto, tahimik lang siya.
“Anong problema?”
“Wala.”
“Tsk.”
Pumasok ako.
“Ji Hyun.”
“I said nothing.”
Lumapit ako sa kanya.
“Nagseselos ka ba?”
Naningkit ang mata niya.
“Don’t flatter yourself.”
Napatawa ako.
“Ay wow. Hindi raw.”
Tatalikod na sana siya nang marahan kong hinawakan ang kamay niya.
Hindi siya kumawala.
JI HYUN’S POV
Nakakainis siya.
Alam niyang nagseselos ako.
At lalo niya akong inaasar.
“That girl likes you.”
Napabuntong-hininga siya.
“Kaibigan lang.”
“She touched you.”
“Ji Hyun…”
“You let her.”
Tahimik siya sandali.
Pagkatapos ay lumapit siya.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
“Ikaw lang ang gusto kong humawak sa akin.”
Natigilan ako.
“…Jennie.”
“Wala akong ibang gusto.”
Napapikit ako.
Ang dali niyang sirain ang lahat ng depensang ginawa ko.
DINNER DATE
Nagpasya kaming lumabas.
Hindi sa mamahaling restaurant.
Isang maliit na ramen shop lang.
“Mas gusto ko rito,” sabi ko.
“Bakit?”
“Kasi hindi mo kailangang magpanggap.”
Ngumiti siya.
“Akala ko wala kang sense.”
“Aray.”
Natawa siya.
Mahina.
Pero totoo.
JENNIE’S POV
Pagkatapos kumain, naglakad lang kami.
Malamig ang hangin.
Walang nagsasalita.
Hanggang sa marahan niyang ipinasok ang kamay niya sa kamay ko.
Mahigpit.
Parang ayaw bumitaw.
“Walang makakakita,” bulong niya.
“Meron man.”
Napatingin siya sa akin.
“Wala akong pakialam.”
Bahagya siyang ngumiti.
“Bihira kang maging sweet.”
“Special occasion.”
“Ano’ng occasion?”
“…Ikaw.”
Namula siya.
First time kong makita si Jun Ji Hyun na hindi kayang itago ang hiya.
JI HYUN’S POV
Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling naging ganito kasaya.
Simple lang.
Naglalakad.
Magkahawak ang kamay.
Kasama siya.
Parang sapat na iyon.
APARTMENT – LATE NIGHT
Nakaupo kami sa sofa.
Nakasandal siya sa balikat ko habang nanonood ng lumang pelikula.
Hindi naman namin sinusundan ang kuwento.
Mas abala kaming magnakaw ng mga sulyap sa isa’t isa.
“Jennie.”
“Hmm?”
“Promise me something.”
“Ano?”
“Huwag mo akong iiwan.”
Napangiti ako nang bahagya.
“Ikaw muna.”
Napabuntong-hininga siya.
“Fair.”
Hinawakan ko ang kamay niya.
“Tingnan mo ‘ko.”
Tumingin siya.
“Hangga’t gusto mo akong kasama…”
“…nandito lang ako.”
Hindi siya sumagot.
Sa halip, isinandal niya ang noo niya sa noo ko.
Pareho kaming nakapikit.
Tahimik.
Pero sapat na ang katahimikang iyon para maintindihan naming pareho-
Mas malalim na ang nararamdaman namin kaysa noong una kaming nagkakilala.
At pareho na kaming natatakot sa araw na baka kailangan naming magpaalam.
Comments for chapter "Chapter 5"