Chapter 17

LORRAINE

Sorry to wake you up students but nandito na tayo. Pakigising nalang sa mga katabi niyo.

Naalimpungatan naman ako mula sa pagkakatulog ng marinig ko sa adviser namin na nandito na daw kami. Kinusot-kusot ko naman ang mata ko bago magpasyang lumingon sa katabi kong kakagising lang rin.

Ate, nagugutom na po ako.Dinampot ko naman ang bag kong nahulog sa may paanan bago kinuha si Lennie kay Astrid. Tumango naman siya sa akin na okay lang kaya kinuha ko naman agad ang kapatid ko at kinarga ito palabas matapos ko makuha ang bag ko habang nasa likod ko lang si Miss Astrid.

Ill go with you guys later at lunch.

Kakain tayo mamaya, okay?

Sabay naming sabi ni Astrid dahilan para magkatinginan kaming dalawa pero inarapan lang ako nito at agad na nilampasan pagkatapos nitong magpaalam sa kapatid ko after niya sabihin na sasabay daw siyang kakain sa amin mamaya.
Nagtaka naman ako kung bakit siya sasabay pero ipinagsawalang bahala ko nalang.

Lakas ng trip niya ah!

Huy Ulan!

Napahinto naman ako sa paglalakad ng makita kong patakbong papunta sa gawi ko si Nicole kasama si Jamie at Annicka na parang inaantok pa.

Ang ingay talaga nitong babaeng ‘to kahit kailan.

Wew! Akala ko iniwan mo na kami eh.” Kunot noo ko naman silang tinignan habang si Lennie naman ay parang tuloyan ng nagising sa ingay nila. Napalingon kasi ito sa mga kaibigan ko habang nakakunot ang noo.

“Teka nga, akala ko ba nauna na kayo? Nagkatinginan naman silang tatlo at sabay na nagkibit balikat na ikinataka ko. Nauna kasi silang bumaba sakin kanina kaya akala ko ay nauna na sila.

“Okay? So, let’s go? I think they been waiting for us.” Sabay naman kaming naglakad papunta sa mga kaklase namin na naka linya na by section. Ibinaba ko naman si Lennie mula sa pagkarga at hinawakan ang kamay niya sabay lakad papunta sa may section namin sa may unahan.

Okay students. Since nandito na ang lahat ay may kaunting sasabihin lang ako para naman may alam kayo sa mga pasikot-sikot dito.” Kinalabit naman ako ng kapatid ko at nakita ko itong parang nagpapakarga.

Ate ang ginaw huhu.Hinawakan ko naman ang mukha niya para sana kakargahin ulit ng biglang may nagsalita sa likuran ko dahilan para mapalingon kami dito ng kapatid ko.

Omg, is she your sister?Napalingon naman ako kay Miss Athena nang mapansin kong ito pala ang nagsasalita. Alanganin ko naman siyang nginitian bago sumagot.

Ahh opo hehe,kamot ulo kong sambit dito. Ngumiti naman siya bago nginitian ang kapatid ko. Infairness naman sa babaeng ‘to at siya lang yata ang mabait sa grupo nila.

The rest? Nevermind.

Hello baby girl, how are you?” Nagtaka naman ako ng magtago sa likod ang paslit dahilan para mawala ang kaninang magandang ngiti sa mukha ni Miss Athena. Tinignan ko naman ang bata sa likod bago ito pandilatan sa mata.

Lennie! Bakit ka nagtatago diyan? Kinausap ka ni Miss Athena, huwag kang bastos.Suway ko sa kanya sabay pinandilatan ito ng mata.

Ano bang nangyayari sa batang ‘to at mukhang takot kay Miss Athena?

“Eh ate, sabi kasi sa akin ni ate Jamie na don’t talk to strangers daw lalo na sa kanya. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya sabay turo kay Miss Athena habang si Jamie naman ay parang natatawa kasama ni Nicole, while si Annicka naman ay bahagyang napaawang ang labi sa narinig.

What the? Bakit naman sinabi ni Jamie yun lalo na dito sa bata? Jusko Jamie!

Napansin ko naman na parang nanliit ang mata ni Miss Athena sabay tayo at harap sa dalawang nagtatawanan-I mean kay Jamie pala habang diretso lang ang tingin dito.

Is everything funny to you?

Her cold voice echoed in the whole area dahilan para matigil ang iba sa ingay na kanina pa habang yung dalawa naman na tumatawa ay parang mga asong naging maamong tupa sabay tungo sa ulo nila na animo’y pinapagalitan.

Gusto kong matawa sa itsura nila pero mas pinili ko nalang na manahimik. Ayaw ko madamay nu, bahala sila diyan.

Nang maka recover si Jamie sa pagtawa at tungo ay bigla naman itong sumeryoso at walang emosyon na sinalubong ang nagbabagang tingin sa kanya ni Miss Athena habang nakaamulsa sa suot nito.

Acting cool yan siya kahit ramdam ko yung kaba niya deep inside mula dito sa pwesto ko.

“Why Ms. Mondragon? Do you want to join laughing with me?” Napa woah naman ang mga estudyante na ngayon ko lang rin napansin na pinapalibutan na pala kami ng mga schoolmates namin habang yung iba ay nagvi-video habang nagbu-bulongan.

Sa’n na ba kasi sila ma’am at ng maawat na sila dito? Nako naman! For sure gulo na naman ‘to!

Woah this is war.

The past is back I think? Ganito din sila noon di ba?

Anong meron teh?:Are they ex lovers?

Tangina, ang hot talaga ni Miss Athena lalo na pag galit.

Ano pustahan mga tol oh, kay Miss Athena ako.

“Kay Miss Jamie ako mga pre, ganda din nito eh kahit masungit.”

Iyan lang naman ang mga bulongan ng ilan na nagpalito sa akin. Anong sinasabi nilang mag ex? Sila Athena at Jamie ba? Are they ex lovers?

Napansin ko naman si Miss Astrid na matamang nakatingin sa akin habang nakahalukipkip sa di kalayuan kasama ang mga kaibigan niya at makikita mo rin sa mga mata ng mga ito ang walang emosyon katulad ni Miss Athena.

Wait, bakit parang magkatulad yata sila? Ano bang meron?

Magsasalita na sana si Miss Athena nang biglang may sumigaw sa hindi kalayuan na ikinahinga ko ng maluwag.

Mabuti naman at dumating na sila ma’am bago pa magkagulo.

What is happening here?!

Ani ng pamilyar na boses. Nakita ko naman ang adviser namin na nakataas ang kilay habang palipat-lipat ang tingin kay Athena at Jamie na parang may kuryente sa pagitan ng mga tingin nila. Ang sama kasi ng tingin nila sa isa’t-isa pero in fairness, may chemistry sila.

Actually ship ko sila, pero shh lang kayo, okay? Baka magalit si Jamie, hehehe.

And all of you! Proceed to your assigned rooms now! Madiing sigaw ng isang teacher na hindi pamilyar sa akin.

Agad namang nagsialisan ang mga chismoso at chismosa habang ako naman ay kasama ang kapatid ko pati sila Nicole at grupo nila Astrid ang naiwan kasama ang adviser namin.

Ms. Francisco and Ms. Mondragon. Sumunod kayo sa akin.” Sasagot pa sana si Miss Athena nang biglang pandilatan siya ng mata nitong guro namin.

And please don’t try to talk when I said so Ms. Mondragon. Agad namang napasinghal ang isa at sumunod sa guro habang si Jamie ay walang imik na sumunod dito.

Naiwan naman kami dito nila Astrid, Allyson, Aphrodite, and Artemis. Di ko sure sa name, eh? Yung katabi ni Miss Aphrodite kanina sa bus ba. Oo yun. Narinig ko lang kasi kanina sa mga kaklase ko habang nag-uusap sa kaganapan dun sa labas ng school.

Napansin ko naman na papalapit sa kinaroroonan ko si Miss Astrid na kanina lang ay walang emosyon ang mukha, ganun rin naman ngayon pero mas magaan na. Kanina kasi ang bigat.

Na para bang nagbebenta siya ng kinilong bigas.

Let’s go to our room already and by the way, we are roommates nerdy. Come on, baby girl. Hindi pa man ako nagsasalita ay agad na niyang hinawakan ang kapatid ko sabay lakad nilang dalawa papalayo at naiwan ako ditong nakatingin sa pigura nila.

Ang hilig talaga mang-iwan ng mga yun pag sila ang magkasama, tsk.

Susunod na sana ako ng marinig kong nagba-bangayan ngayon ang dalawa. I mean, si Allyson at Nicole pala.

Edi ipaiba mo ang room mates mo para hindi ka na mag-aalburoto diyan na parang bulkan!

How dare you! Bawiin mo nga ang sinabi mo, you bitch!

“Huy amerikanang hilaw! Wag ka ngang maarte diyan, pasalamat ka pinagtiisan ko yang mukha mong parang retokada!”

“Excuse me what?! I didn’t done any plastic surgery, you bitch!”

“Nyenyenye, ang ingay mo! Tabi nga diyan tse!”

“Arghhh damn you piece of shit!!!”

Tatawa-tawa namang naglakad palayo si Nicole na parang nanalo sa lotto habang yung kasama niya naman sa kwarto ay nag-aalburoto na sumunod sa kanya habang hila-hila ang kanyang pink na maleta.

Agad naman akong sumunod sa kanila since ako nalang mag-isang nakatayo dito. Sumunod rin kasi agad sina Annicka kanina at Artemis, and Aphrodite kina Athena pagkaalis na pagkaalis nila.

Pagkarating ko sa suit na pansamantala naming titirhan ay agad naman akong pumasok. Namangha naman ako pagkakita ko kung ano ang nasa loob at napanganga nang matanaw ko mula dito ang mga nag-gagandahang bulaklak na may iba’t-ibang kulay at sa gilid nun ay may mga tanim yata ng mga strawberries na parang farm.

How was it?

Nagitla naman ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko dahilan para lingunin ko ito. Tumaas naman ang kilay niya sa reaksyon ko habang nanatiling nakahalukipkip at hinihintay ang aking sagot.

Pero ano ba ang tanong niya? Tungkol ba sa lugar?

A-ahh ang alin po ba?She just rolled her eyes matapos marinig ang aking sagot. Napanguso naman ako ng palihim sa klase nang pagtrato niya sa akin.

Yung totoo, may saltik ba ‘to? Minsan kasi ang bait niya tapos kinabukasan parang tigre na hindi pinakain ng amo niya.

Nakakaloka ang mood swings niya mga teh, hindi ko keri.

The place, tss.Nagkibit balikat nalang ako at hindi na siya sinagot pa. Nakakainis kasi eh at parang ang laki naman ng kasalanan ko sa kanya kung tratuhin niya ako ng ganito.

Na para bang ibang tao ako.

Ate!

Lumingon naman ako sa pinanggalingan ng boses na yun at doon nakita ko naman ang kapatid kong parang kanina pa kumakain ng chocolate? Teka, saan naman kaya ‘to kumuha ng ganung klaseng pagkain dito?

Wag niya sabihing nandikwat siya? Aba!

Ate tignan mo, may chocolate at strawberries ako hehe.Nanlaki naman ang singkit kong mata matapos makita ang itsura niyang puno ng chocolate, isama mo pa yung damit niyang sobrang dumi na.

Ilang minuto lang akong nalingat ganito na ang hitsura niya? Walang hiyang batang ‘to!

Saan galing tong chocolate? At ito sa’n galing?!” Nawala naman ang ngiti na nakapaskil sa kanyang mukha at napalitan ng pagnguso ng makalapit ako sa gawi niya.

Eh Ate, bigay naman sa akin to ni Ate ganda eh, kaya wag ka ngang ano diyan, hmp.Agad naman napantig ang tenga ko sa narinig.

Ate ganda na naman?! Bakit ba bukambibig palagi ‘to ng kapatid ko? Tsk.

Diba sabi ko sa’yo na huwag na huwag kang tumatanggap ng pagkain sa hindi mo kakilala?!” Kahit kailan talaga ‘tong batang ‘to oh!

Pinagsabihan ko na siyang huwag basta-basta tumanggap ng pagkain lalo na’t masilan siya nun at mabilis sumakit ang tiyan niya pero heto at tuwang-tuwa pang makatanggap ng chocolates.

Hindi niya ba alam na nakakaubos yan ng ngipin?

“Anong hindi kakilala ka diyan ate? Si ate ganda naman yun, duh!” Katwiran pa nito sabay ikot sa kanyang mga mata na ikinasingkit ng mata ko.

Aba at bakit uma-attitude itong unano na ‘to?

Oo nga naman Raine! Kung makaasta ka naman parang gusto ka rin kilalanin nung tao. Pero kahit na hmp. Sasagot pa sana ako dito nang biglang may nagsalita sa likuran namin na nakalimutan ko na nandito pa pala ito dahilan para manigas ako.

Why blaming her? Blame me because it’s my fault that I gave her a chocolate!

Napamura naman ako ng lihim sa sinabi nito sabay buntong hininga.

Ito na naman kami.

Comments for chapter "Chapter 17"

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x