Chapter 15

LORRAINE

That’s all for today, class dismissed.

Saad ni Mr. Pascual at agad lumabas sa classroom. Nag unat-unat naman ako kaagad sabay ligpit sa mga gamit ko habang yung mga kaklase ko naman ay agarang lumabas na parang kalahi ni the flash.

Lumingon-lingon naman ako sa paligid at nagbabasakali na makita ko yung dalawang kaibigan ko. Yup, you heard it right. Dalawa na sila since part of my circle of friends na si Nicole na sinang-ayunan ko rin naman.

Mukhang mabait naman kasi siya at may pagka-madaldal at kikay. Based on my observation.

Raine, matagal ka pa ba?

Agad ko naman sinukbit ang bag ko nang tinawag na ako ni Jamie sa labas ng classroom. Nakita ko naman si Nicole na katabi niya na kanina pa mukhang di maipinta ang mukha.

Ano na naman kaya ang nangyari sa babaeng ‘to?

Sorry natagalan, let’s go?” Ssbi ko at tumango lang naman sila at naglakad na kami papalabas ng campus. Doon pa rin kasi kami sa dating kainan nila ate Cheska and as usual, may nadagdag na since Nicole is also our friend now. Hindi rin naman kasi maarte ang isang to like Jamie at napaka down to earth kahit halatang mayaman.

Sana lahat ng mayaman kagaya nila na hindi maarte.

Pagkarating namin sa labas ng campus ay nakita naman namin yung limang bitches dito sa school na parang may binu-bully. Teka—binu-bully? Ano ba yan. Akala ko ako lang ang binubully nila dito.

Ang isip bata naman pala nitong mga ‘to.

“Shut the fuck up bitch! How dare you shout on my face?!

Yun ang narinig ko bago kami makarating sa kinaro-roonan nila na pinangu-ngunahan ni Nicole.

Anong nangyayari dito?!Sigaw nito at walang malay na hinawi yung mga taong nakaharang sa harapan at nilingon ang babaeng nakaupo sa lupa ngayon.

Mukhang siya yata ang sinisigawan nung isang kasama nila.

“Annicka?! Potangina anong nangyari at ba’t may dugo yang labi mo?! Mukhang nataranta naman ito sa sunod-sunod na tanong niya bago inalalayan yung Annicka girl na ngayon ay nakahawak na sa braso ni Nicole. Tumingin naman si Nicole sa mga taong nasa harapan niya bago padabog na tumayo at tinuro yung isa sa mga miyembro ng nambully.

“Huy amerkinang hilaw! Ikaw ba may gawa nito sa kaibigan ko huh?!! Galit na saad pa nito sabay duro dun sa babaeng nakataas ang kilay kanina na ngayon ay mukhang gulat na gulat na sa pagduro ni Nicole dito at ano daw? Amerikanang hilaw? Dahil sa narinig ay napatawa naman ako ng mahina kasabay nung mga nanunuod na bumu-bungisngis.

Hahahahahaha laughtrip! Walang hiyang Nicole talaga ‘to at ang lakas ng loob.

What the fuck did you just called me?! And can you stop pointing your fucking finger on my face! Instead na makinig si Nicole ay ngumisi naman ito. Magsasalita na sana siya ng lumapit na ako kay sabay kalabit kay Jamie na walang emosyong nakikinig lang.

Diyos ko. Nagkagulo na’t lahat bato pa rin ang babaeng ‘to.

Uy tama na yan Nics, tara na gutom na kasi ako eh hehe. Kunwari inosente kong sabi sabay lagay ng kamay sa tiyan ko. Bumuntong hininga naman ito at hinawakan sa braso si Annicka bago tumalikod pero bago yun ay nagsalita pa muna siya.

We’re not yet done, Shrek.” She coldy said, and she smirked after saying those words to that girl she pointed to earlier. Nakita ko namang lumaki ang mata nito at isinigaw ang mga katagang nagpakaba hindi para sakin kundi kay Annicka girl pati na rin kay Nicole.

Gagawin kong impyerno ang buhay mo, lesbian leech!Actually nung una hindi ko siya nakilala pero nung tinitigan ko siya ay yung Allyson pala ‘to na kabangayan ni Nicole nung sa hallway.

Kaya pala familiar ang tindig.

Nagkibit balikat lang naman si Nicole habang akay-akay yung Annicka. Agad rin naman kaming sumunod ni Jamie kina Nicole ngayon na papunta na sa karinderya pero bago pa man ako makahakbang ay may humawak na sa braso ko at nilingon ang taong may gawa nun.

Astrid. I mentally said to my mind.

Ah eh bakit?” Takang tanong ko sa kanya. Napansin ko naman na nagpaalam na ang mga kasama niya sa kanya kaya kaming dalawa nalang ang natira. Napabuntong hininga naman siya bago nagsalita habang hawak pa rin yung kamay ko.

Uhm I just want to ask kung pumasok ba ang kapatid mo now?Tanong nito na nagpakunot sa noo ko.

Bakit naman kaya niya natanong? May kailangan ba siya kay Lennie?

Oo, bakit? Nagtataka kong tanong sa kanya. Napansin ko namang biglang nabalisa siya bago binitawan ang kamay ko kaya bigla akong nakaramdam ng panghihinayang.

Woah! Bakit ko naman maramdaman yun? Hmpf!

I just want to see her and visit your house later. Is that okay with you?Seryoso ba siya? Kasi sa pagkakaalam ko ay pangit at maliit naman ang bahay namin at proven and tested na yun since doon siya natulog nung nakaraang dalawang linggo lang ang nakalipas.

Pero ano nga ba ang konek nun, Raine? Kapatid mo nga ang sadya diba at hindi bahay. Tangeks lang. Pagkakausap ko sa aking sarili. Oo nga naman Raine. Bakit ka ba kumokontra, huh?! Whatever mind.

Pwede naman. Mamayang 4:30 pm pa naman ang labas natin kaya okay lang at kung ayos sayo ay sabay nalang tayong umuwi mamaya.” Mukhang nakahinga naman siya ng maluwag sa sinabi ko at nakangiti pa nga na ikinatulala ko na naman.

Ang ganda kasi niya pag nakangiti. Sana naman dalasan niya diba?

Great. So I’m going home with you guys later. Sabay taas ng kilay. Napalunok naman ako ng wala sa oras at agad tumango bilang sagot.

Yep. Kamot sa ulo kong sabi na ikinangiti niya na naman. Omg pigilan niyo ako at parang mahihimatay na ako dito sa klase ng ngiti niya.

Ang ganda ganda!

Good. Ill go ahead now. Bye nerdy. Sabay halik sa aking pisngi at bago pa man ako makapag react ay nakapasok na siya sa loob ng campus habang ako naman dito ay naiwang tulala sa kanyang ginagawa hawak-hawak sa aking pisngi kung saan banda ang hinalikan niya.

Ahhhh! Bakit na naman ba bumibilis ang tibok ng aking puso sa tuwing ginagawa niya ang ganoong bagay? Huhu.

Napailing nalang ako sa mga naisip ko at agad na pumasok sa loob ng karinderya kung saan naroon sila Jamie na mukhang kanina pa ako hinihintay.

Geez—ang tagal mo girl, nagugutom na ako.Nag peace sign naman ako kaagad kay Nicole na nagrereklamo na habang nakanguso.

Mukhang good mood na yata siya ngayon, ah? Hmm ang bilis naman niyang mag change mood. Napatingin naman ako sa harap ko ng makita kong may mga kanin at ulam na. Mukhang napansin naman yata ni Jamie ang pagkalito ko kaya agad na siyang nagsalita.

Inorderan na kita. Don’t worry, nabayaran ko na yan. Magrereklamo na sana ako ng magsalita na naman siya ulit.

No buts and just eat Raine para makabalik na agad tayo, seryoso niyang saad na ikinalunok ko bago nagpasya na kumain nalang.

Libre daw niya eh, edi hayaan.

Nag-usap lang naman kami ng kaunti at tanong kay Annicka girl mo. 18 years old na pala siya at working student sa isang coffee shop dito sa malapit na mall. Nagkakilala daw kasi sila ni Nicole nung minsan ay nagpupunta ito doon lalo na pag bored siya at kailangan mag shopping. Isa rin siyang nag-iisa sa buhay dito sa Maynila while her parents ay nasa probinsya nila. Nakikipagsapalaran lang pala siya dito at nagbo-bored lang. At ito pa. Saktong magkaklase pala kami. Ngayon ko lang din napansin pero sabi niya ay minsan lang naman siyang pumapasok dahil sa part time job niya.

Buti hindi nababagsak ang babaeng ‘to.

And come to think of it, napansin ko na mas lumaki ang circle of friends namin ni Jamie at yun ang nakakatuwa kasi feeling ko ay may dadagdag pa.

Well, aabangan natin yan.

PAGKATAPOS ng kalahating oras na pagkain namin ay naglakad naman na kami pabalik papuntang campus. Hinimas-himas ko naman ang tiyan ko na bahagyang lumaki yata sa sobrang busog.

Matapos ang limang minutong paglalakbay ay nakarating naman kami agad sa classroom. Agad naman akong umupo pati na rin yung dalawa since magkaklase kami sa lahat ng subjects. Nagpalipat kasi ng schedule ‘tong si Nicole at gusto niya raw na magkakalase kami sa lahat. Buti nga pinayagan siya, eh.

Siguro may kapit to the admin office, hmm.

Ilang sandali pa ay dumating naman agad ang aming guro at nagsimula ng mag lecture at salita ng kung ano-anu habang ako naman ay nakatingin lang sa labas.

Ewan ko ba pero wala ako sa mood makinig ngayon, hays.

Before I dismiss. I have a special announcement.” Nakuha naman ang atensyon ko ni ma’am lalo na at kanina pa ako hindi nakikinig sa kanya at nakatulala lang sa labas.

Buti nga at hindi niya ako nasita eh.

We have an early activity field trip at napagdesisyonan ng admin na agahan raw namin ang pag-papaalam sa inyo para masabihan niyo ang magulang niyo tungkol dito. So any suggestion kung saan ang magandang lugar na pwedeng puntahan for our field trip?Agad naman naghiyawan ang mga isip bata kong kaklase habang ako naman ay tahimik lang na nakikinig katulad nila Jamie, Nicole at Annicka.

Ilang days po ba yan, ma’am?Tanong ng isa kong kaklase na si Erickson. Napatingin naman ako kay ma’am.

Yan rin nga ang itatanong ko. Ilan nga ba? Pero kahit ano pa yan eh hindi rin naman ako makakasama diyan.

Oh that. Well, 4 nights and 3 days tayo don. What? Bakit parang ang tagal naman yata?

Sana naman ginawa nalang nilang one week nu? Tsk.

Woah shit! In na agad ako, haha.

Ayos matagal-tagal pala tayo dun.

Ihhh! I’m a super excited girl, gosh!

Ito ang bulongan nilang lahat na para bang mga batang excited sa kanilang out of town trip with their family.

Class quiet! Agad naman silang natahimik sa pagsigaw ni ma’am. Tumikhim naman siya bago nagsalita ng makitang naging maamong pusa na yung mga kaklase kong isip bata.

So any suggestion kung ano ang magandang lugar? Anyone?” Saad ni ma’am sa aming lahat.

Palawan!

Batangas, ma’am!

Baguio ma’am kasi masarap ang hangin.

Davao po ma’am kasi masasarap ang prutas, lalo na ang durian!

Subic po!

Boracay!

At marami pa silang ibang lugar na nabanggit.

Sasama ba kayo, girls?Napalingon naman kami kay Nicole nang magsalita ito.

Kung sasama kayo, go ako,saad ni Jamie dahilan para mapalingon silang dalawa sa akin. Napabuntong hininga naman ako bago nagsalita.

Pag-iisipan ko pa.” Saad ko sa kanila bago tumingin sa gawi ni Annicka na tahimik lang. Bumuntong hininga naman ito at dahan-dahang tumango.

I’m in.” Tipid nitong sabi sabay ngiti.

Hmm, so ako nalang ang hindi pa nakapagdesisyon.

Pag-iisipan ko pa ito ng mabuti since walang kasama si Lennie kung sakaling sasama ako, tsaka hindi ko siya pwedeng maiwan kina Aling Doray ng ganun katagal since hindi nun matitiis na hindi ako makita at makasama.

Ayaw ko naman iwan ang paslit na yun at baka umiyak, hays.

Comments for chapter "Chapter 15"

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x