Chapter 14
LORRAINE
“So how’s your work on your part-time job?” Napatigil naman ako sa pagnguya at uminom muna ng tubig bago sagutin ang tanong ni Jamie.
“Ayos lang naman at tsaka isa pa ang bait ng boss ko dun.” Yup. Mabait kasi ang boss namin hindi strikto katulad ng iba na kulang nalang ay magiging dragon sa galit once na may kamalian kang ginawa.
Nandito kami ngayon sa coffee shop malapit lang sa university. Inaya kasi ako ni Jamie magkape kaya pumayag nalang rin ako. Mamayang 9:00 am pa naman ang klase namin dahil may meeting daw ang mga professors.
“That’s great. Tita Minerva is like that kaya huwag ka nang magtaka pa. Ganun lang talaga yun at masasanay ka rin.” Napatango-tangu naman ako sa sinabi niya. Halata rin naman kasi.
Nung isang araw nga ay may kasamahan naming na late at akala talaga namin ay papagalitan siya since maraming customer sa araw na yun at take note, pareho pa kaming bago nun ah. Nag-expect nga kami na pagalitan yun eh pero yun pala ay sinabihan lang siya na sa susunod huwag nang ulitin pa. Laking pasalamat narin naman ni si Josh na hindi siya sinesante.
Pangalan nung empleyadong na late.
“Halata nga. May anak na ba siya? I mean—medyo may edad na kasi siya pero hindi mo naman halata kasi maganda rin siya.” Bukod sa mabait ang boss namin ay sobrang ganda niya pa lalo na pag nakangiti. Makikita mo talaga na pinagpala siya sa maykapal at ang magiging anak niya panigurado, kung meron man.
Napaayos naman ng upo si Jamie bago sumagot sa tanong ko habang nakatingin sa labas.
“Yup, actually katulad rin natin siya na nandun nag-aaral sa BHU. She’s part of our cheering squad actually.” Seryoso? Pero alin ba siya dun? Marami kasing maganda sa Brixton High University. Isama mo pa yung mga gwapong nilalang na parang mga anghel na bumaba sa langit.
Feel ko nga ako lang ang naligaw na dukha don.
“Ganun ba? Pero alin ba sya dun? Andami kasing maganda at gwapo dito Jamie eh, katulad mo.” Sabay turo ko sa kanya. Parang nabigla naman siya sa sinabi ko.
Ay? Hindi ba siya aware na maganda siya? Pero totoo rin naman kasi na maganda ‘tong si Jamie.
Long wavy brown hair na hanggang bewang. Small waist and white pale skin. Her lips are natural na mapula and yung singkit niyang mata na may kulay na parang hazel eyes. And last but not least, yung ilong niya na sobrang tangos. Isama na rin natin yung kuko niya na ang taas na may manicure pa na kulay black.
Para tuloy siyang yung sa movie na si ano ba yun? Yung pang bata ang ipit sa buhok ba hmm Harley Quinn? Oo, yun yata yung babaeng palaging may dalang baseball bat sa Suicide Squad na movie. Ewan ko nalang kung napanood niyo na yun.
Basta isa lang ang masasabi ko. Ang ganda ng movie na yun as in legit, kaya panoorin niyo.
“Paano ka naman? Try mo kayang tanggalin yang salamin mo at makikita mo ang tunay mong ganda. I’m not saying na panget ka okay? It’s just that hmm, you really like old fashion. Pero sabagay iba-iba naman kasi tayo ng taste.” Napatingin naman ako sa sarili ko at napabuntong hininga bago nag-iwas ng tingin sa kanya.
“Ito na kasi ang gusto ko at tsaka isa pa, dito ako komportable. Hindi rin kasi ako maarteng tao katulad ng iba. Kaya sa ayaw niyo o sa hindi ito ang gusto ko kaya wala kayong magagawa. Choice ko ‘to eh. Sige at mauna na ako.” Mukhang nabigla naman si Jamie sa naging reaksyon ko at ramdam ko ang pagkataranta nito. Pipigilan niya sana ako pero agad na akong tumakbo at hindi pinakinggan ang pagtawag nito sa pangalan ko.
Nakaka offend lang kasi yung sinabi niya kahit totoo rin naman. Hindi naman ako galit sa kanya. Mukhang galit pa nga ako sa sarili ko eh. Tsk, ang kitid lang kasi ng utak ng mga tao ngayon.
Porket ganito ang suot mo, ay manang na? Di ba pwedeng mas dito lang ako komportable?
Hmp. Bakit naman ako magbabago nang taste para magustuhan nila? Mas okay kaya yung nagpakatotoo ka sa sarili mo kaysa naman na nagpapanggap kang santo kahit demonyo ka naman talaga.
Hindi ko man lang namalayan na sa kakatakbo ko ay may nabangga naman akong bulto nang isang tao. At guys, napakabilis lang ng mga pangyayari dahil natapunan lang naman yung suot kong uniform ng juice na dala-dala niya habang napaupo ako sa lupa.
“A-aray!”
“O-oh my god!”
Halos sabay naming sabi nung taong nakabangga ko. Late reaction nga lang sa lagay na yun. Pero ang ikinabahala ko kasi ngayon ay itong suot ko. Wala pa naman akong extrang damit na dala kasi nga ay tumigil na ako sa pagdala nun since tinigil na ni Miss Astrid ang you know, pangbu-bully sa akin.
“Shit! I’m sorry, miss if I ruin your uniform, what shall I do? Fuck!” Napatakip naman ako sa tenga ko sa lakas ng boses niya, isama mo pa yung pagmumura niya. Sabihin niyo ako ng ignorante o ano diyan pero hate ko talaga yung palamura huhu.
Bad words kasi yun.
Parang nagtaka naman itong babaeng nabunggo ko kung bakit di ako nagsalita dahilan para lumingon ito sa akin. At guys, maniwala kayo o sa hindi, bigla nalang nag slow motion ang paligid sabay panlalaki nang mata ko sa babaeng nakita ko sa aking harapan.
Woah! Siya yun! Siya yung babaeng umiyak sa corridor dalawang linggo na ang nakalipas.
In fairness, ang ganda niya sa malapitan.
Hindi ko kasi klaro ang mukha niya noong nasa hallway na ganap. Mahaba at itim na itim ang buhok na sobrang straight at yung katawan niya ay parang coca-cola sa ganda. Ilong na matangos, kilay na natural na maporma. Her seductive yet natural red lips and yung mata niya rin na katulad kay Jamie na singkit pero mas bilugan nga lang ang sa kanya. And the way she talks ay may lumalabas na parang bilog na malalim sa isang pisngi niya. Grabe, diyosa ba siya? Ang ganda niya huhu. Konti nalang iisipin ko na talaga na hindi tao ang mga nag-aaral dito kundi mga diyosa.
Ako lang talaga yung dugyot na naligaw dito sa lupa.
“Hey, are you alright, miss? May masakit ba sa’yo?” At yung boses niya ang ganda. Parang-dinuduyan ka. Hindi sa oa ako pero yun talaga eh.
“Hey, miss? Can I take you to the hospital now? Come on, I insist.” At doon na ako nagising nang marinig ko ang salitang hospital. Ano daw? Hospital agad? Ang oa naman tsaka isa pa ayaw ko nga pumunta dun, naalala ko lang kung paano bawian ng buhay si Nanay noon.
Wala rin naman akong sugat nu!
“H-hala! Huwag na nakakahiya at tsaka isa pa wala naman akong sugat at natapunan lang po ako ng juice na dala mo.” mahinahon kong sabi sa kanya at inayos ang sarili ko sabay tayo. Tutulongan pa sana ako nito ng may biglang tumawag sa pangalan ko dahilan para mabaling ang atensyon namin dito.
“Raine!”
Hinihingal na saad ni Jamie nang makarating siya dito sa harapan ko o namin. Nagtataka ko naman siyang tinignan lalo na sa mukha niya na parang umiiyak na ewan. Medyo mugto kasi yung mata niya.
Luh anyare sa kanya? May umaway ba sa kanya?
“I’m sorry about earlier. I shouldn’t have said that. Hindi ko naman yun intensyon yun. It just like na mali ang pagkakaintindi mo—at oh!” Mukhang nagulat naman siya nang mag-angat siya ng tingin mula sa pagsasalita habang nakayukong nakatukod sa tuhod niya kanina.
Nakita ko naman na may tinignan siya sa likod ko at bahagyang nagulat naman ako o kami ng kasama ko isama mo pa yung ibang estudyante dito nang biglang tumili at nagtatakbo yung babaeng bumangga sa akin papunta kay Jamie na karga na siya ngayon.
“Kyaaaah! I miss you chipmunk huhu, ang tagal nating hindi nagkita. Mwah mwah mwah.” At hinalik-halikan lang naman po niya sa Jamie sa buong mukha habang si Jamie naman ay mukhang nairita sa inasta ng babae.
“Fuck! Shit, stop it Nicole! Bumaba ka nga!” Parang bata naman na sumunod yung isa. So Nicole pala ang pangalan niya.
“Ang sungit mo naman. Still the same grumpy, huh?” Humalukipkip na saad nung Nicole habang si Jamie naman ay inayos ang sarili niya bago hinarap yung isa ng nakakunot ang noo.
So magkakilala sila?
“And you are still childish, huh?” Pag fire back ni Jamie dahilan para mahampas siya nung isa sa balikat.
“I hate you, hmp!” Umiling lang naman si Jamie bago ako tinignan dahilan para mapalingon rin yung Nicole sa akin. Naging seryoso naman ang aura ni Jamie pagkakita sa kabuohan ko. Bahagya naman akong napalunok sa kaba.
Ito na naman kasi yung other personalities niya na nakakatakot.
“Raine, what happened to you? Ba’t ganyan ang uniform mo?” And I realize na basa pala itong suot ko kaya napatampal nalang ako sa aking noo.
Patay na at paano na ako nito ngayon? Huhu wala pa naman akong extrang damit.
“Ahm actually, it’s my fault, hihi.” Napalingon naman si Jamie kay Nicole nang magsalita ito at kunot noo siyang tinignan.
”You what? What are you talking about? What did you do Nicole?” Bigla naman naging seryoso ang boses ni Jamie habang yung Nicole naman ay napakamot sa kanyang ulo. Sasagot pa sana si Nicole ng may biglang nagsalita sa likuran namin dahilan para mapalingon kami sa ikalawang pagkakataon.
Di naman halatang ang daming umeeksena ngayon nu?
“What’s happening here?”
Saad ng taong ilang linggo nang hindi mawala sa isip ko lalo na yung ginawa niya na nagpagulo sa puso ko. Napalingon naman ako dito at nakita ko itong matamang nakatingin sa akin dahilan para mangatog ang tuhod ko sa di malamang dahilan.
Ayan nanaman yang tingin niya nakakapanghina ng tuhod.
Ano bang nagyayari sa akin?
Comments for chapter "Chapter 14"