Chapter 9

LORRAINE

Padabog akong naupo sa upoan ko dito sa room at nagsimulang mapasimangot ng makalimutan kong magising ng maaga. Paano ba naman kasi, hindi ako ginising ng maaga ng magaling kong kapatid. Argh! Na late tuloy ako at ito nga at second subject na ako nakapasok.

Ang batang yun ang aga-aga nagising hindi man lang nag-abalang gisingin ako, hmpf!

Para maibsan ang inis ko ay kinuha ko nalang ang bag ko at inilagay ang nakuhang libro na babasahin ko. Buti nalang talaga at ako lang mag-isa ngayon at wala pa akong nakikitang mga kaklase ko at pagkamalan pa akong baliw habang kinakausap ang sarili mag-isa. Nagsimula naman akong nagbasa ng tahimik pagkatapos kong ayusin ang salamin ko.

Ito lang kasi ang magpapakalma sa akin ngayon tsaka isa pa, I use to read these kinds of books when I’m stressed or not in the mood. Sa madaling salita ay paborito ko talaga ang magbasa ng libro.

Reading is one of my hobby.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng maramdaman kong parang may mga matang nakatingin sa akin. Tinigil ko naman ang pagbabasa at nilibot ang paningin ko sa paligid. Wala namang tao.

Weird, ano kaya yun?

I just shrugged my shoulders at ipinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa. Ilang saglit pa ay nakita ko naman ang mga kaklase ko na nagsipasukan na kaya naman napag desisyonan ko ng itiklop muna ang libro na binabasa ko at mamaya ko nalang tatapusin. Nakita ko naman agad si Jamie na pumasok at kinawayan ako sabay lapit sa akin.

Bakit ngayon ka lang?” Agad niyang tanong. May naisip naman akong kalukuhan bago siya sinagot gamit ang pagkanta.

Bakit ngayon kung kailan ang aking puso mayroon nang—araay ko Jamie!” Paano ba naman kasi eh nangba-batok ang babaeng to bigla. Ang sakit tuloy ng ulo ko.

Nagtanong ako ng maayos at ang sinagot mo naman ay kanta. Yung totoo Raine, naka drugs ka ba?” I gasped in response. What the?!

Huy hindi grabe ka naman makabintang!” Defensive kong sabi dito dahilan para mapairap siya bago ako hinarap ng tuloyan.

“Nevermind, so bakit ka nga hindi nakapasok kanina?” I sighed heavily sa tanong niya. Bumalik na naman tuloy ang inis ko.

Grrrr, nakakainis talaga as in!

Nagising kasi ako tanghali na tapos itong kapatid ko naman na ang aga gumising hindi man lang ako inabalang gisingin! Naalala ko na naman yung pagka late ko nang gising kanina, hays.

Hindi naman pwedeng sisihin ko si Lennie. Actually, late ako natulog kagabi sa dami kong iniisip at isa na dun ang babaeng bully. Aish. Bakit ko ba kasi yun iniisip eh hindi naman siya worth it sa isipan ko. Ewan ko ba at ang gulo ko din minsan eh.

“Then why are you look so gloomy? Is there another reason?” Napalingon naman ako sa sinabi niya at agad ring umiwas ng tingin nang makita ko ang seryoso niyang expression.

H-huh? Pinagsasabi mo? Wala ah!Argh! Bakit ba kasi pabalik-balik yun sa isip ko! Nakakainis na ah!

Okay, chill haha. Anyway, mamaya sa karinderya parin tayo, ah?” Tumango naman ako sa sinabi niya at nakahalumbabang tumingin sa labas.

Baka nagtataka kayo kung ano o sino ang pinupunto ko nu? Ganito kasi yun…

Flashback ~

Naglalakad ako ngayon mag-isa papunta sa Admin Office sa kadahilanang may inutos sa akin si Mrs. Santos na ipapabigay para daw sa darating na sports fest dalawang linggo simula ngayon.

Habang naglalakad ako ay may nakita naman akong nagkukumpulan na mga taong nasa gitna mismo ng hallway malapit lang sa kinaroroonan ko. Nagtaka naman ako ng may nakita akong parang babaeng nakaupo sa semento habang yung nakapalibot naman sa kanyang estudyante ay tumatawa.

Sa hindi malamang dahilan ay natagpuan ko nalang ang sarili kong lumalapit mismo sa pinagkakaguluhan at sa hindi inaasahan ay nakita ko naman ang babaeng payat na maganda na may mahabang buhok at hanggang bewang lang habang nakayuko.

Hala anong nangyari? Okay lang kaya siya?

Ano? Hahalikan mo ba o hindi? You choose! Napalingon naman ako sa babaeng nagsalita-teka parang familiar siya? Saan ko nga ba siya nakita?

Napalingon naman kami sa babae ng bigla nalang itong tumayo at hindi iniinda ang madumi niyang suot habang nanlilisik ang matang nakatingin sa babaeng mas matangkad sa kanya ng ilang pulgada.

Hanggang baba niya lang ata ang babaeng madumi ang uniform eh.

Tsk bakit ko naman gagawin yun? Alam mo mas mabuti pa ngang iwasan nalang kita kaysa naman habol ako ng habol sayo! Nagmukha lang akong tanga! So from now on, remember this face of mine, ALLYSON DELA FUENTE wala nang manggugulo sa’yong bwesit at piste sa buhay mo! Tandaan mo ‘to, babawian kita at sa panahon na yun ay sisiguraduhin kong hindi lang physical pain ang gagawin ko sayo!!!

Pagkatapos sabihin ng babae yun ay agad naman itong tumakbo habang umiiyak at naging tahimik naman ang paligid sa kaganapan, habang yung babaeng Allyson naman daw kuno ay bahagyang nalungkot sa narinig. Pansin kasi ang kanyang itsura na parang iiyak at nasaktan sa kanyang narinig kaya naman ay agad nalang itong umalis na walang kibo na ikinataka nang ilan.

Nagsialisan naman yung mga tsismakers habang ako naman ay nagpatuloy agad sa paglalakad-este takbo na pala since nakalimutan kong may pupuntahan pa pala akong importante.

Naman kasi Raine, eh. Inuna mo pa ang makipag chismisan.

I wonder kung anong relasyon nung dalawa? Hmm. Di bale na nga, it’s not my business anymore.

Pagdating ko sa 2nd floor ng building ay nagpasya naman akong huminto muna dala sa pagkahingal, grabe nakakapagod. Nang maayos ko na ang sarili ko ay agad naman akong naglakad papunta sa pinto na may nakalagay na Admin Office at agad na kumatok.

Kakatok na sana ako ulit ng biglang bumukas ang pinto at sa hindi sinasadyang natamaan pa mismo sa noo ang taong lalabas sana gamit ang knuckles ko dahilan para mapasinghap ako sa gulat lalo na at napakamilyar ng boses nito.

What the fuck?!She angrily said, Habang ako naman ay napapikit at takip sa dalawang tenga ko sa lakas ng boses niya. Nakalunok ba to ng megaphone? Lakas nang boses eh. Napa sign of the cross naman ako ng hindi ko namamalayan sa sobrang talim ng tingin niya sa akin na para bang anumang oras ay iihawin na niya ako.

Woah, lord ialis niyo po ang masamang ang espiritu sa babaeng ito ngayon din!

What the?! You again Nerd?! Pag minamalas ka nga naman.Napayuko naman ako sa sinabi niya at mahinang nagdasal na sana palampasin niya nalang ito at hindi nalang pansinin pa, ngunit mukhang tutol yata si tadhana ng mapansin kong palapit ito ng palapit habang ako naman ay dahan-dahang umatras.

Scared of me, huh?! Di ka pa talaga nadadala sa mga ginagawa ko sa’yo at ngayon naman ay kinakalaban mo talaga ako! She hissed at tumigil sa paghakbang ng mapansin niya na wala na pala akong aatrasan pa. Ramdam ko na kasi ang likod ng pader huhu.

Aish bakit ngayon pa? Kainis naman eh!

A-ahm, sorry po hindi ko sinasadya.Nanginginig kong sabi habang nakayuko at halos malukot naman tong damit na hawak-hawak ko.

Really? Well, sorry to say this, but starting from now on ay doble na ang sakit na mararamdaman mo dahil sa ginawa mo sa akin ngayon, mark my words nerdy.Napasinghap naman ako ng bigla siyang bumulong sa tenga ko na parang nakakakilabot.

Yung boses niya kasi parang demonyo huhu, tabang.

“Welcome to hell disgusting, nerd.Huling saad niya na ikinatigas ko sa aking kinatatayuan at ngayon ko lang rin napansin na umalis na pala siya na may tagumpay na ngisi sa labi habang ako naman ay parang tinakasan ng kaluluwa sa sinabi niya.

Ano daw? Welcome to hell? Impyerno ba ang paaralan na ito dati? Wahh, ayaw ko pa maiwan si Lennie. Sino na mag-aalaga sa kanya kung ganon?!

Ms. Dela Cruz?

Ms. Dela Cruz, are you alright?

Nabalik naman ako sa ulirat ng marinig ko ang boses ni Mrs. Santos habang may pagtatakang nakatingin sa akin habang nakakunot ang noo. Inayos ko naman ang sarili ko bago siya sinagot.

A‐ahm opo ma’am, okay lang po ako hehe.Saad ko sabay buntong hininga at pilit pinapakalma ang sarili.

Tsk. Kasalanan to nang bully na yun eh, nakakainis na talaga ang babae na yun. Ang sama ng ugali niya, hmpf!

Sayang siya, maganda pa naman sana!

Alright, come in at nandito yung ipapasuyo ko.

End of flashback ~

“You’re spacing out again.” Nagising naman ako sa malalim na pag-iisip ng marinig ko ang sinabi ni Jamie na kanina pa pala nagsasalita sa harap ko. Ngayon ko lang din napansin na nakalabas na pala si Sir Peter na kanina lang ay nagtuturo pa diyan sa harap.

Sa sobrang lutang mo ba naman sa tingin mo mag-aabala pa yun magpaalam sayo? Sabi ni mind. Pasensya naman nu mind.

Ah pasensya na Jamie hihihi. Peace.Kamot ulo kong saad sa kanya. Bumuntong hininga naman siya bago nagsalita habang seryoso akong tinignan.

Something is bothering you, I know. Hays bakit ba kasi natulala ako kanina? Diko tuloy narinig yung sinasabi niya huhu, pero teka ano daw?

Huh? Anong sabi mo?Takang tanong ko sa kanya. Sumeryoso naman siya lalo sa naging sagot ko sa kanya.

Ito na naman siya sa ganyan niyang mood na nakakatakot.

Si Astrid ba ang dahilan? Napabuntong hininga naman ako bago dahan-dahang tumango sa kanya habang nakanguso. I guess kahit hindi ko pa sasabihin ay mukhang may alam na siya.

Observant na tao talaga ‘tong si Jamie, huhu.

What did she do this time?Seryoso nitong tanong.

Natameme naman ako at hindi agad nakasagot sa kanya. Sasabihin ko ba? Eh pano kung magalit siya? Madamay? Ayaw ko nun. Problema ko ‘to eh kaya dapat ako lang ang pwedeng magsolusyon nito.

But she’s your friend girl. My other mind said. Oo nga pero kasi…

So my assumptions is right? Huh? Teka ano ba ang sinasabi niya? Assumptions what?

Ang alin? Tanong ko habang nagugulohan siyang tinignan. Hindi ko talaga alam takbo nang utak nito. Minsan seryoso minsan naman palabiro.

Para tuloy siyang bipolar, hmpf!

That Astrid is threatening you again.

Ah yun pala yon. Dahil sa narinig huminga naman ako ng malalim habang nakangusong nakayuko. Anong silbi ng pagde-deny ko kung may alam na siya diba? Hays.

That bitch.Jamie silently mumbled na hindi ko halos maintindihan kasi nga pabulong lang.

Ano ba kasi yun?

Comments for chapter "Chapter 9"

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x