Chapter 24

Jennie’s POV

Pabalik na kami mula sa site visit.

Tahimik ang biyahe.

Pero iba na ang katahimikan ngayon.

Hindi na mabigat.

Hindi na puno ng galit.

Paminsan-minsan ay nagkukuwentuhan kami ni Ji Hyun tungkol sa proyekto, kay Chiquita, at sa mga susunod na gagawin.

“Salamat.”

Napalingon ako sa kanya.

“Para saan?”

“Sa pagpapatawad.”

Napangiti ako nang bahagya.

“Huwag mong sayangin.”

Tumango siya.

“Hindi na.”

PROJECT SITE

Pagkababa namin ng sasakyan…

May isang taong naghihintay.

Si Lisa.

Nakatayo lang siya.

Nakasalubong ang mga braso.

Tahimik.

Pero halatang may mabigat na dinadala.

“Lisa…”

Mahina kong tawag.

Hindi siya ngumiti.

“Tapos na ba kayong mag-usap?”

Nagkatinginan kami ni Ji Hyun.

Ramdam kong ito na.

Hindi na namin ito maiiwasan.





Lisa’s POV

“Puwede ba tayong mag-usap?”

Tumango si Mama.

Tumango rin si Jennie.

Dinala ko sila sa isang bakanteng conference room.

Isinara ko ang pinto.

Tahimik.

“Ngayong tatlo lang tayo…”

“…ayoko nang makarinig ng palusot.”

Napatingin ako sa kanilang dalawa.

“No more lies.”

“…Only truth.”






Ji Hyun’s POV

Huminga ako nang malalim.

Ito na ang pinakakinatatakutan kong sandali.

“Lisa…”

“Hindi.”

Putol niya.

“Ikaw muna ang sasagot.”

“Bakit parang ang dami n’yong alam tungkol sa isa’t isa?”

Tahimik ako.

“Bakit parang hindi kayo ordinaryong magkatrabaho?”

Mas lalo akong napayuko.






Jennie’s POV

Hinawakan ko ang sariling mga kamay ko para pigilan ang panginginig.

“Ako na.”

Napatingin silang dalawa sa akin.

“Magkakilala kami ng mama mo.”

Tahimik si Lisa.

“Hindi lang bilang magkatrabaho.”

Huminga ako nang malalim.

“Nagkakilala kami sa Korea.”

Unti-unting nagbago ang ekspresyon ni Lisa.

At saka ko sinabi ang pinakamatagal naming itinago.

“…Naging kami.”

Parang tumigil ang oras.





Lisa’s POV

Hindi ako agad nakapagsalita.

Naririnig ko ang sarili kong paghinga.

“…Ano?”

Mahina akong napatawa.

Hindi dahil nakakatawa.

Kundi dahil hindi ako makapaniwala.

“Kayo?”

Tumango si Mama.

May luha na sa mga mata niya.

“Oo.”

“Bakit…?”

“Bakit hindi n’yo sinabi?”

Tahimik silang pareho.




Ji Hyun’s POV

“Kasalanan ko.”

Mahina kong sabi.

“Hindi ko sinabi kay Jennie noon na may anak ako.”

“At nang kailangan kong umuwi…”

“Hindi ako nakapagpaalam.”

Napapikit ako.

“Lahat ng nangyari pagkatapos noon…”

“…responsabilidad ko.”





Lisa’s POV

Lumipat ang tingin ko kay Jennie.

“Ikaw?”

“Bakit hindi mo sinabi na naging tayo?”

Tahimik siyang sumagot.

“Dahil natakot ako.”

“Natakot na, ano?”

“Na masaktan ka.”

Napailing ako.

“Mas nasaktan ako ngayon.”





Jennie’s POV

Wala akong maipagtatanggol.

Tama siya.

Dapat sinabi ko noon pa.

“Pasensya na.”

Iyon lang ang nasabi ko.






Lisa’s POV

“Pasensya?”

Napailing ako.

“Alam mo ba kung gaano ako nagmukhang tanga?”

“Habang ako…”

“…kinukuwento ko sa mama ko kung gaano kita kamahal.”

“…hindi ko alam na…”

Napahinto ako.

Hindi ko naituloy.

Lumapit ako kay Jennie.

Hindi para saktan siya nang pisikal.

Kundi para maipakita ang bigat ng nararamdaman ko.

Tinulak ko siya palayo.

Napaatras siya ng isang hakbang.

Hindi siya gumanti.

Hindi rin siya nagsalita.

Tinanggap lang niya ang galit ko.

At iyon ang mas lalong nagpabigat sa dibdib ko.






Jennie’s POV

Karapatan niyang magalit.

Karapatan niyang magtanong.

At wala akong karapatang pigilan iyon.

“Tama ka.”

Mahina kong sabi.

“Nagkamali ako.”






Ji Hyun’s POV

“Lisa…”

Lumapit ako.

Pero umatras siya.

“Huwag.”

Mas masakit iyon kaysa sa inaasahan ko.

“Tumigil ka muna.”

“Mom…”

Hindi na “Mama.”

Hindi na rin malambing ang boses niya.

“Paano mo nagawang itago ‘to sa akin?”

Tahimik akong umiiyak.

“Wala akong sapat na dahilan.”





Lisa’s POV

Tumingin ako sa kanilang dalawa.

Hindi ko alam kung sino ang mas kinagagalitan ko.

Si Jennie…

Na minahal ko, pero hindi nagsabi ng totoo.

O si Mama…

Na buong buhay kong pinagkatiwalaan.

Huminga ako nang malalim.

“Kailangan ko ng oras.”

Binuksan ko ang pinto.

At bago ako tuluyang lumabas…

Lumingon ako kay Ji Hyun.

“Mahal pa rin kita bilang nanay.”

“Pero sa ngayon…”

“…hindi ko alam kung paano ulit pagkakatiwalaan ang mga sinabi mo.”

Umalis ako.

Naiwang tahimik ang silid.

Magkatabi sina Jennie at Ji Hyun.

Pero sa pagkakataong iyon…

Pareho nilang alam na ang katotohanan, kahit tama ang naging desisyon nilang aminin ito, ay may kapalit.

At ang unang nabasag…

Ay, ang tiwalang matagal na iningatan ni Lisa.

Comments for chapter "Chapter 24"

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x