Chapter 23

Jennie’s POV

“May site visit tayo bukas.”

Iyon ang unang sinabi ni Ji Hyun bago matapos ang meeting.

“Saan?”

Binanggit niya ang pangalan ng lugar.

Natigilan ako.

“Doon?”

Tumango siya.

“Nandoon ang susunod nating project.”

Napabuntong-hininga ako.

“Ilang araw?”

“Isang araw lang.”

Napaisip ako.

“Doon din nakatira si Chiquita.”

“Alam ko.”

Sandali kaming nagkatitigan.

“Sana… madalaw din natin siya.”

Tahimik akong tumango.

“Sige.”

KINABUKASAN

Mahabang biyahe.

Tahimik ang loob ng sasakyan.

Si Jennie ang nagmamaneho.

Si Ji Hyun ang nasa passenger seat.

Paminsan-minsan lang sila mag-usap.

“Napapagod ka?”

“Hindi.”

“Sigurado?”

“Hindi pa.”

Napangiti si Ji Hyun.

“Pareho ka pa rin.”

“Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Hindi marunong umamin kapag pagod.”

Napailing lang si Jennie.

SA BAHAY NINA JENNIE

Pagdating nila…

Agad silang sinalubong ni Chiquita.

“Ate!”

Masayang niyakap ni Chiquita si Jennie.

Pagkatapos ay napatingin kay Ji Hyun.

“Ma’am!”

Ngumiti si Ji Hyun.

“Kumusta ang school?”

Masiglang tumango si Chiquita.

“Nakapag-enroll na po.”

“Salamat po ulit.”

“Mas gusto kong marinig na masaya ka sa pag-aaral.”

Tumango si Chiquita.

“Opo.”

HAPON

Nagluto silang tatlo.

Nagbibiruan habang naghihiwa ng gulay.

“Ate, ikaw maghugas.”

“Bakit ako?”

“Ikaw ang pinakamatanda.”

Napatawa si Ji Hyun.

“Valid reason.”

Napairap si Jennie.

“Kakampi ka pa talaga.”

GABI

Tahimik ang paligid.

Nasa labas ng bahay sina Jennie at Ji Hyun.

Nakaupo sa lumang kahoy na bangko.

Habang si Chiquita ay natutulog na.

Matagal bago may nagsalita.

“Ako pala…”

Mahina ang boses ni Ji Hyun.

“Salamat.”

“Bakit?”

“Sa pagpunta rito.”

Huminga nang malalim si Jennie.

“Ji Hyun.”

“Hm?”

“Galit pa rin ako sa ginawa mo noon.”

Napayuko si Ji Hyun.

“Pero…”

“…naiintindihan ko na ngayon kung bakit.”

Hindi agad siya nakapagsalita.

“Kaya…”

“…pinapatawad na kita.”

Nanlaki ang mga mata ni Ji Hyun.

“Totoo?”

Tumango si Jennie.

“Hindi ibig sabihin no’n na babalik tayo sa dati.”

“Pero…”

“…ayoko na ring dalhin ang galit habang buhay.”

Unti-unting napuno ng luha ang mga mata ni Ji Hyun.

“Salamat.”

“Salamat talaga.”

Hindi sila nagyakapan.

Hindi rin sila naghawakan.

Tahimik lang silang naupo.

At sa unang pagkakataon matapos ang dalawang taon…

Nawala ang bigat ng isang matagal n hinanakit.

SAMANTALA SA BAHAY NILA LISALisa’s POV

“Pinsan!”

Napangiti ako nang makita si Irene.

“Ate Irene!”

Nagkuwentuhan kami habang umiinom ng tsaa.

Hanggang sa bigla niyang nabanggit…

“Busy yata si Tita Ji Hyun.”

“Oo.”

“Nasa site visit.”

Tumango ako.

“Kasama ang project team?”

Napaisip si Irene.

“Hindi ko sure.”

“Ang alam ko…”

“…kasama niya si Jennie.”

Napatingin ako.

“Si Jennie?”

“Oo.”

“Matagal na rin silang magkatrabaho.”

Tahimik akong nakinig.

Hindi pa rin malinaw.

Pero…

Mas lumalalim ang kutob ko.

PROJECT OFFICE

Kinabukasan, dumiretso ako sa site.

“Excuse me.”

“Nasaan si Jennie?”

“Naka-site visit po.”

“Kasama ni Ma’am Ji Hyun.”

“Saan?”

Sinabi nila ang lugar.

Napatingin ako sa mapa.

“Magkasama lang sila?”

“Opo.”

“One-day visit.”

Tahimik akong tumango.

Pero sa loob-loob ko…

“Bakit siya?”

“Bakit hindi ibang engineer?”

Humigpit ang hawak ko sa cellphone.

Hindi ako sumunod.

Ayokong gumawa ng eksenang hindi ko pa alam ang buong katotohanan.

Pero isang desisyon ang ginawa ko.

Pagbalik nila…

Hindi na ako tatahimik.

May mga tanong na kailangan nang sagutin.

At sa pagkakataong iyon…

Hindi na sapat ang mga ngiti at palusot.

Gusto ko na ang buong katotohanan.

Comments for chapter "Chapter 23"

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x