Chapter 16

Jennie’s POV

Friday night.

Company dinner.

Lahat ng project team ay nasa isang Korean restaurant na ni-reserve ng kumpanya.

May pagkain.

May tawanan.

At syempre…

May alak.

“Cheers!”

Nagbanggaan ang mga baso.

Si Seulgi, katabi ko.

Si Ji Hyun naman…

Nasa kabilang dulo ng mesa.

Tahimik.

Paminsan-minsan lang sumusulyap sa akin.

At sa tuwing nagtatagpo ang mga mata namin…

Ako na ang unang umiiwas.





Seulgi’s POV

Kinurot ko si Jennie sa tagiliran.

“Ano?”

“Huwag mo na siyang titigan.”

“Hindi ko nga tinitingnan.”

“Talaga?”

Saktong napalingon si Jennie.

At kasabay noon…

Napatingin din si Ji Hyun.

Napailing ako.

“Huli.”

Napabuntong-hininga si Jennie.





Ji Hyun’s POV

Hindi ko na alam kung paano siya lalapitan.

Hindi ko alam kung paano ko siya hihingan ng isa pang pagkakataon.

Pero ngayong nandito siya…

Ayokong sayangin ang pagkakataon.

OUTSIDE THE RESTAURANT

Lumabas si Jennie para magpahangin.

Makalipas ang ilang segundo…

Sinundan ko siya.

Tahimik siyang nakatingin sa city lights.

“Puwede ba kitang samahan?”

Hindi siya sumagot.

Kaya tumabi na lang ako.

Jennie’s POV

“May kailangan ka?”

Mahina siyang tumango.

“Ikaw.”

Napatawa ako nang mapait.

“Ji Hyun…”

“Hindi ako humihingi ng kapatawaran.”

“Kasi alam kong hindi ko iyon deserve.”

“Tapos ano?”

“Kahit pagkakataon lang…”

“…na makilala mo ulit ako.”

Tahimik akong napabuntong-hininga.

“Dalawang taon kitang hinintay.”

“Alam ko.”

“Dalawang taon akong nagtanong kung anong mali sa akin.”

Biglang nangilid ang luha niya.

“Walang mali sa’yo.”

“Mahal kita noon.”

“At…”

Napahinto siya.

“…hanggang ngayon.”

Tahimik ang paligid.

Walang sumagot.





Ji Hyun’s POV

Hindi ko na napigilan.

Unang beses kong umiyak sa harap niya.

Hindi bilang architect.

Hindi bilang boss.

Kundi bilang isang babaeng nagsisisi.

“Sorry…”

Paulit-ulit.

“Sorry…”

Hanggang sa manginig ang boses ko.

Tahimik lang si Jennie.

Inabot niya ang isang panyo.

“Punasan mo.”

Hindi niya ako niyakap.

Hindi rin niya ako itinulak.

Pero sapat na ang maliit na kabutihang iyon para mas lalo akong maiyak.

LATER THAT NIGHTJi Hyun’s POV

Pag-uwi ko…

Tahimik ang bahay.

Akala ko tulog na si Lisa.

Umupo ako sa bar counter ng kusina.

Binuhusan ko ang sarili ko ng isang basong tubig.

Hindi ko namalayang…

Umiiyak na pala ako.






Lisa’s POV

Nagising ako dahil gusto kong uminom ng tubig.

Paglabas ko ng kuwarto…

Natigilan ako.

Si Mama.

Mag-isa.

Umiiyak.

Hindi ko pa siya nakitang ganoon kahit kailan.

“…Mom?”

Mabilis niyang pinunasan ang mga mata niya.

“Lisa?”

Lumapit ako.

“Anong nangyari?”

“Wala.”

“Mom.”

Tahimik lang siya.

Umupo ako sa tabi niya.

“Hindi ka marunong magsinungaling kapag umiiyak ka.”

Napangiti siya nang mapait.

THE FIRST HEART-TO-HEART

“May nasaktan ka ba?”

Tahimik.

“O…”

“…may nanakit sa’yo?”

Napayuko si Ji Hyun.

Mahina siyang tumango.

“Ako.”

Natigilan ako.

“Hindi ko naiwasang saktan ang taong pinakamahalaga sa buhay ko.”

Nanlaki ang mga mata ko.

“Minahal mo siya nang sobra?”

Mahina siyang ngumiti.

“Sobra.”

“Bakit kayo naghiwalay?”

Huminga siya nang malalim.

“Dahil…”

Halos lumabas na ang pangalan.

“Dahil si—”

Bigla siyang tumigil.

Napapikit.

Hindi pa puwede.

Hindi pa.





Ji Hyun’s POV

Hindi ko puwedeng sabihin.

Hindi pa.

Dahil kapag nalaman ni Lisa ang katotohanan…

Hindi lang relasyon namin ni Jennie ang masisira.

Pati ang tiwala ng anak ko sa akin.






Lisa’s POV

Hinawakan ko ang kamay ni Mama.

“Kahit sino man siya…”

“…kung talagang mahal ka niya noon…”

“…baka hindi pa huli ang lahat.”

Napapikit si Mama.

Kung alam lang ni Lisa…

Na ang babaeng tinutukoy niya…

Ay, ang babaeng ipinakilala niya mismo sa akin bilang girlfriend niya.

At habang magkatabi kaming mag-ina sa katahimikan…

Mas lalo kong naramdaman ang bigat ng lihim na unti-unti nang gustong mabunyag.

Comments for chapter "Chapter 16"

0 0 votes
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Oldest
Newest Most Voted
0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x