Chapter 15
Ji Hyun’s POV
Hindi ko na alam kung pang-ilang baso ang hawak ko.
Tahimik ang bar.
Pero mas maingay ang konsensya ko.
Hinugot ko ang cellphone ko.
Jennie.
Tumawag ako.
No answer.
Muli.
At muli.
Paulit-ulit.
“Please…”
Mahina kong bulong.
“Kahit ngayon lang…”
Jennie’s POV
Nag-vibrate ang cellphone ko habang magkatapat kami ni Lisa sa restaurant.
“May tumatawag?” tanong niya.
Sinulyapan ko ang screen.
Ji Hyun Calling…
Tahimik kong ibinaliktad ang cellphone.
“Wala ‘yon.”
Ngumiti si Lisa.
“Mas gusto kong nandito lang ang attention mo.”
Napangiti rin ako.
“Nandito lang.”
Pero hindi tumigil ang pag-ring.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Hanggang sa tuluyan ko itong sinilent.
Ji Hyun’s POV
Hindi niya sinasagot.
Napatawa ako nang mapait.
“Tama lang…”
Pero muli kong tinawagan.
At muli.
Hanggang sa nanginginig na ang kamay ko.
“Jennie…”
“Please…”
“Hindi ko na kaya…”
AFTER THE DINNERJennie’s POV
Pagkatapos ihatid si Lisa sa bahay, muli kong tiningnan ang cellphone ko.
Mahigit dalawampung missed calls.
Lahat galing kay Ji Hyun.
Napabuntong-hininga ako.
“Bwisit ka…”
Sa huli…
Pumunta rin ako sa bar.
BAR
Nadatnan ko siyang nakayuko sa counter.
Halatang lasing.
“Ji Hyun.”
Dahan-dahan siyang nag-angat ng ulo.
Ngumiti siya nang malungkot.
“…Dumating ka.”
Napailing ako.
“Ano’ng ginagawa mo rito?”
“Hindi ko alam.”
“Tingnan mo ang sarili mo.”
“Sorry…”
Napabuntong-hininga ako.
“Hindi ka puwedeng manatili rito.”
HOTEL LOBBY
“Ayaw kong umuwi.”
“Bakit?”
“Ayaw kong makita ako ni Lisa na ganito.”
Tahimik akong tumango.
“Sige.”
Tinulungan ko siyang makarating sa isang hotel na malapit.
HOTEL ROOM
Pagkaupo niya sa gilid ng kama, tahimik lang siya.
“Ayaw mo pa rin ba akong patawarin?” mahina niyang tanong.
Napabuntong-hininga ako.
“Hindi ganoon kadali.”
“Tama ka.”
Nangingilid ang luha niya.
“Sinira ko ang tiwala mo.”
Tahimik lang akong nakinig.
Ji Hyun’s POV
Tumayo ako at lumapit sa kanya.
“Salamat…”
“…kahit dumating ka pa rin.”
Hindi siya umiimik.
Dahil sa bugso ng emosyon, niyakap ko siya.
Mahigpit.
Parang ayokong bumitaw.
Saglit niyang ibinalik ang yakap.
Pero maya-maya ay marahan niya akong inilayo.
“Ji Hyun…”
“Huwag.”
“Makinig ka.”
Tumingin siya sa akin.
“Hanggang dito lang.”
Napayuko ako.
“Bakit?”
“Dahil may taong masasaktan.”
Naisip ko agad si Lisa.
Tahimik akong napaluha.
“Tama ka.”
Huminga siya nang malalim.
“Magpahinga ka na.”
“Bukas… pag-usapan natin kapag malinaw na ang isip mo.”
Tumango lang ako.
Habang palabas siya ng pinto, saka ko tuluyang naunawaan—
Hindi sapat ang pagsisisi para maibalik ang dating relasyon.
At sa labas ng hotel…
Mas lalong gumulo ang puso ni Jennie.
Sa isang banda…
Naroon ang babaeng minsan niyang minahal.
Sa kabila…
Naroon ang babaeng unti-unti na niyang natututuhang mahalin.
Comments for chapter "Chapter 15"